Mga Pulang mandirigma sa Bicol, nakapagtapos ng BKP

,

Isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa Bicol ang nakapagtapos ng pag-aaral sa Batayang Kurso ng Partido (BKP) noong Hulyo sa gitna ng operasyong kombat ng militar. Ang kurso ay ibinigay sa mga bagong Pulang mandirigma at sa mga kasaping nagbalik-aral. Para umangkop sa militarisasyon, isinagawa ito sa istagard na pamamaraan.

Inilunsad nila ang pag-aaral para pagtibayin ang pundasyon sa ideolohiya ng mga kasapi ng Partido at mga bagong Pulang mandirigma. Anila, patunay ang pagdaraos ng pag-aaral na walang makahahadlang sa rebolusyonaryong pagkatuto. Nagpataas ito ng moral at napatibay sa kahandaan ng mga Pulang mandirigma sa sakripisyo at kahirapan.

Mga Pulang mandirigma sa Bicol, nakapagtapos ng BKP