Operasyong haras, inilunsad ng BHB-Masbate

,

Nagpulasan ang nagpapahingang mga sundalo ng 2nd IB sa isang compound sa Barangay Puro, Placer, Masbate matapos silang salakayin ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Masbate noong Agosto 26, alas-11 ng gabi. Pinaulanan ng bala at pinasabugan ng command-detonated explosive ng mga Pulang mandirigma ang yunit ng 2nd IB Alpha Company na nasa lugar. Ikinagalak ng masang Masbatenyo ang armadong aksyon dahil nagbigay hustisya ito sa mga biktima ng karahasang militar ng 2nd IB.

Noong Agosto 30, pinatawan ng kaparusahang kamatayan ng BHB-Masbate ang isang elemento ng CAFGU at taksil sa taumbayan na si Jay-R Avalle sa Barangay Baras, Esperanza. Dati siyang kasapi ng hukbong bayan na aktibo nang aset ng militar.

Operasyong haras, inilunsad ng BHB-Masbate