15 sundalo ng 62nd IB, nasugatan sa mis-engkwentro sa Negros Oriental
Hindi bababa sa 15 sundalo ng 62nd IB ang nasugatan matapos ang tatlong beses na mis-engkwentro sa hanay ng tropa nito noong Mayo 1 sa Barangay Humay-humay, Guihulngan City, Negros Oriental. Ayon ito sa ulat ng mga residenteng nakasaksi sa pag-atras ng nag-ooperasyong tropa ng 62nd IB.
Naganap ang mis-engkwentro sa panahong tinutugis ng 62nd IB ang yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros (Leonardo Panaligan Command) na nakasagupa nito noong umaga ng araw na iyon. Tinangka ng 62nd IB na i-reyd ang kampo ng hukbong bayan sa Sityo Lupo ngunit aktibong nakapagtanggol ang BHB.
“Kasinungalingan ang ipinahayag ng 62nd IB na apat ang engkwentro na naganap sa araw na iyon,” pahayag ni Ka JB Regalado, tagapagsalita ng yunit ng BHB. Aniya, ang katotohanan ay dahil sa kahayukan sa dugo ay basta-basta itong nagpaputok at nakalaban ang sariling tropa.
Pinasinungalinan rin ni Ka JB ang hinabing kwento ng 62nd IB na nakakumpiska ito ng matataas na kalibre ng armas at mga kagamitang pandigma sa Pulang hukbo. Aniya, tanging personal na mga kagamitan ang nakuha mula sa kanilang yunit.