Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Nalalapit na phaseout ng dyip, sasalubungin ng pambansang tigil-pasada
December 13, 2023

Muling magkakasa ng dalawang araw na tigil-pasada ang mga drayber at opereytor ng dyip sa pamumuno ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) sa darating na Disyembre 14-15. Panawagan ng grupo na ibasura ang pakanang phaseout sa mga dyip sa tabing ng bogus na programa sa modernisasyon at sapilitang konsolidasyon ng […]

Piston to hold nationwide strike as jeepney phaseout deadline nears
December 13, 2023

Drivers and operators will once again conduct a two-day transport strike led by Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) on December 14-15. The group demands to scrap plans to phaseout jeepneys under the veil of the deceptive modernization program and mandatory franchise consolidation. The Marcos regime’s pronouncement last December 12 that […]

Operasyong haras, ikinasa ng BHB-Southwest Negros kontra sa 15th IB
December 12, 2023

Pinaputukan ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Southwest Negros ang detatsment ng 15th IB sa Sitio Pangi, Barangay Inayawan, Cauyan, Negros Occidental noong Disyembre 11. Tahimik na nilapitan ng yunit ng hukbong bayan ang detatsment bandang alas-8 ng gabi para bulabugin ang nagpapahingang mga sundalo. Imbwelto ang 15th IB sa paghahasik ng teror […]

Pribatisadong serbisyong patubig sa Bulacan, binatikos
December 12, 2023

Nagprotesta sa harap ng upisina ng Water District sa Barangay Minuyan III, San Jose del Monte, Bulacan ang mga kasapi at tagasuporta ng Alliance for Consumers Protection (ACP)-CSJDM noong Disyembre 11 para batikusin ang pangit na serbisyo at patung-patong pang mga singilin nito sa mga konsyumer. Isinapribado ang serbisyong patubig simula noong Mayo 2018 nang […]

Igalang ang karapatang-tao ng mga rebolusyonaryo—FFPS
December 12, 2023

Sa okasyon ng paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Karapatang-tao noong Disyembre 10, pinatampok ng Friends of the Filipino People in Struggle (FFPS) ang pangangailangang walang pagtatanging kilalanin ang karapatang-tao ng mga rebolusyonaryo kahit pa sila ay mga sibilyan, hindi kombatant o armadong kasapi ng mga rebolusyonaryong organisasyon. Ang FFPS ay internasyunal na grupo ng mga […]

Pandaigdigang Araw ng Karapatang-tao: Panagutin ang rehimeng US-Marcos!
December 11, 2023

Malinaw ang sigaw ng mga tagapagtanggol ng karapatang-tao at demokratikong organisasyon noong Disyembre 10, Pandaigdigang Araw ng Karapatang-tao, na panagutin ang naghaharing rehimeng Marcos at mga Duterte sa malalang paglabag sa karapatang-tao. Pinamunuan ng Karapatan at Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang libu-libong Pilipinong nagprotesta sa 11 sentro ng pagkilos sa bansa para singilin ang reaksyunaryong […]

Kabataang Makabayan, nag-iglap-protesta sa Metro Manila
December 11, 2023

Nagmartsa ang mga kasapi ng Kabataang Makabayan (KM) sa kahabaan ng Avenida, Recto kahapon, Disyembre 10, Pandaigdigang Araw ng Karapatang-tao. Mapangahas na inilunsad ng KM ang iglap-protesta sa kabila ng patakaran ng panunupil ng rehimeng US-Marcos at “teroristang designasyon” nito. Ang rali ay bahagi ng pagdiriwang sa ika-59 anibersaryo ng organisasyon noong Nobyembre 30. Ipinahayag […]

Linggo ng PLGA, ipinagdiwang sa India
December 11, 2023

Ipinagdiwang ng rebolusyonaryong kilusan sa India, sa pamumuno ng Communist Party of India (Maoist), ang ika-23 anibersaryo ng armadong pwersa nito na People’s Liberation Guerilla Army (PLGA) noong Disyembre 2 hanggang Disyembre 8. Isinabay sa taunang pagdiriwang ang mga aktibidad kaugnay ng Palestine People’s Struggle Action Week bilang suporta sa mamamayang Palestino. Taun-taong inilulunsad ng […]

Deportasyon at panggigipit sa Filipina-Swiss na aktibista, kinundena
December 10, 2023

Kinundena ng Anakbayan at Migrante International ang arbitraryong detensyon at deportasyon ng rehimeng US-Marcos kay Edna Becher, Filipina-Swiss na aktibista at tagapangulo ng Anakbayan-Switzerland, noong Disyembre 7 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Si Becher ay higit dalawang oras na ikinulong bago pinabalik sa Switzerland sa pagdadahilang “blacklisted” siya sa bansa dahil sa […]

Magsasaka sa Negros Occidental, inaresto matapos ang palabas na engkwentro ng 94th IB
December 10, 2023

Inaresto ng mga sundalo ng 94th IB ang magsasakang si Pokoy Rebradilla, kasama ang kanyang anak, matapos ang isang palabas na engkwentro ng yunit ng militar sa Sityo Karanawan-Buli, Barangay Buenavista, Himamaylan City, Negros Occidental noong Disyembre 7. Dinala siya ng mga sundalo sa hedkwarters nito sa Barangay Tambo, Ayungon, Negros Oriental nang walang ligal […]