Archive of AB Dailies

4 na sibilyang pinaratangang Pulang mandirigma, nakalaya na
February 09, 2023

Nakalaya noong Pebrero 6 si Rommel Nuñez, isang sibilyang dinakip, tinortyur at ikinulong sa paratang na siya’y isang Pulang mandirigma matapos ang pitong taong pagkakabilanggo. Una nang nakalaya noong Enero 31 sina George Bruce, Jose Nayve at Armando Matres na kasama niyang dinakip at sinampahan ng gawa-gawang kaso. Ang apat na kinilala bilang “Cavite 4” […]

Takot at pagkamuhi dulot ng airstrike at forced evacuation sa mamamayan ng Hacienda Intal sa Cagayan
February 09, 2023

Malaking dagok sa kabuhayan at mental na kalusugan ng mga magsasaka ng Hacienda Intal ang nangyaring pambobomba mula sa himpapawid ng mga tropa ng 501st Infantry Brigade Philippine Army at Tactical Operation Group 2 – Philippine Air Force (TOG2-PAF) sa ilalim ng direktiba at pamumuno ng Northern Luzon Command (NolCom). Naganap ang nasabing airstrike sa […]

Designasyong terorista sa PKP, NPA at NDFP, pinatatanggal
February 08, 2023

Nanawagan ang mga grupong demokratiko sa ilalim ng Bayan na tanggalin ang arbitraryong designasyon ng Anti-Terror Council sa Partido Komunista ng Pilipinas, Bagong Hukbong Bayan, National Democratic Front of the Philippines at lahat ng mga konsultant at mga aktibista bilang mga “terorista.” Nagmartsa sila ngayong araw, Pebrero 8, tungong Department of Justice para igiit ito. […]

Lupa ng mga magsasaka ng Tinang sa Tarlac, ipinangakong ibibigay na
February 08, 2023

Nakakuha ng pangako noong Lunes, Pebrero 7, ang mga magsasaka sa Tinang, Concepcion, Tarlac na igagawad na sa kanila ang lupang sinasaka nila sa loob ng 45 na araw. Sa ulat ng Pokus Gitnang Luzon Multimedia Network, ginawa ang pangako ng kalihim ng Department of Agrarian Refrom na si Conrado Estrella sa isang dayalogo na […]

Pambobomba ng militar sa Cagayan, pinaiimbestigahan
February 08, 2023

Hinimok ng National Democratic Front (NDF)-Cagayan ang mga lokal na ahensyang sibilyan, taong-simbahan, tagapagtanggol ng karapatang-tao at kalikasan na maglunsad ng imbestigasyon sa pambobombang isinagawa ng 5th ID at Tactical Operation Group ng Philippine Air Force (TOG2-PAF) sa mga sakahan at maisan ng Sityo Birao, Barangay Hacienda Intal, Baggao, Cagayan noong Pebrero 2 bandang alas […]

Dagdag sahod, ipinanawagan sa harap ng pagpalo ng implasyon sa 8.7%
February 07, 2023

Dagdag-sahod ang panawagan ng mga manggagawa sa harap ng lalo pang pag-arangkada ng pagtaas ng mga presyo ng bilihin at serbisyo noong Enero. Pumalo sa 8.7% ang inflation rate o bilis ng pagtaas ng presyo sa nakaraang buwan, mas mataas sa 8.1% noong Disyembre 2022. “Record breaking” ang kutya ng mga manggagawa dahil pinakamataas ito […]

Propesor ng UP Diliman, di makatarungang inaresto
February 06, 2023

Inaresto ng mga pulis ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Prof. Melania Flores, propesor ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa Diliman, kaninang umaga sa kanyang bahay sa loob ng kampus ng UP Diliman sa Quezon City. Sinampahan siya ng kasong “paglabag sa Social Security Law” dahil umano sa hindi niya pagremit ng kontribusyon […]

Panggigipit sa fact finding mission ng mga demokratikong grupo sa India, kinundena
February 06, 2023

Kinundena ng grupong Forum Against Corporatization And Militarization (FACAM) sa India ang panggigipit at pananakot ng mga pwersa ng estado sa 25 delegado ng isang fact finding mission ng Coordination of Democratic Rights Organisations (CDRO) sa bayan ng Dubbatota, Sukma District sa estado ng Chhattisgarh noong Pebrero 1-5. Layon ng misyon na mag-imbestiga kaugnay ng […]

Gratuity pay, ibigay sa mga manggagawang kaswal ng MMDA
February 06, 2023

Sinuportahan ng grupong Courage (Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees) at KALAKON (Kawani Laban sa Kontraktwalisasyon) ang laban ng mga kawani ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para ipagkaloob sa kanila ang ₱5,000 gratuity pay. Sa sulat na ipinadala ni Ma. Theresa Gonzales, pangkalahatang kalihim ng KKK-MMDA (Kapisanan para sa Kagalingan ng […]

EDCA, kinundena sa ika-124 anibersaryo ng pagsiklab ng gerang US-Pilipinas
February 06, 2023

Binatikos ni House Deputy Minority Leader at ACT Rep. Frances Castro ang todo-todong pagtataguyod ng rehimeng Marcos sa Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA at ang nagpapatuloy na presensya ng mga tropang Amerikano sa bansa noong Pebrero 4, ika-124 anibersaryo ng pagsiklab ng gerang Pilipino-Amerikano. “Tila hindi umalis ang mananakop,” pahayag niya sa kanyang talumpati […]