Archive of AB Dailies

Hustisya, tunay na reporma sa lupa, sigaw ng magsasaka
January 26, 2023

Nagmartsa ang mga grupo ng magsasaka sa pamumuno ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), kasama ang iba pang demokratikong grupo tungong Mendiola sa Maynila noong Enero 22 para gunitain ang ika-36 anibersaryo ng Mendiola Massacre. Kasunod ito ng isang porum kaugnay ng pakikibaka para sa tunay na reporma sa lupa na inilunsad rin sa Manila. […]

3 sundalo ng AFP, patay; 7 nasugatan sa engkwentro sa BHB
January 25, 2023

Kinumpirma ngayong araw ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Southwest Negros (Armando Sumayang Jr. Command) ang naganap na engkwentro sa pagitan ng yunit nito at ng 15th IB sa Sityo Malipayon, Barangay San Jose, Sipalay City noong Enero 18. Dahil sa kakayahang gerilya ng yunit, nagawa nitong agawin ang inisyatiba sa mga sundalo at napinsalaan ng 10 […]

Hustisya para migranteng pinatay sa Kuwait, ipinanawagan
January 24, 2023

Hustisya! Ito ang sigaw ng mga kamag-anak at kaibigan ni Jullebee Ranara, sampu ng mga kapwa niyang mga migranteng manggagawa. Si Ranara, isang kasambahay, ay natagpuang patay sa gitna ng disyerto ng Kuwait noong Enero 22. Siya ay pinaniniwalaang ginahasa bago pinatay. “Nananawagan kami na agarang resolbahin at dalhin sa kaparaanan ng hustisya ang pumaslang […]

2 milyon, nagprotesta sa France laban pagtaas ng edad pagretiro
January 23, 2023

Dalawang milyong mamamayan ang nagwelga at nagprotesta sa iba’t ibang bahagi ng France noong Enero 22 para labanan ang panukalang pagtataas ng edad sa pagreretiro mula 62 tungong 64 taong gulang. Layunin ng panukala na patagalin ang pagpiga pareho sa lakas-paggawa ng mga manggagawa at buwis sa kanilang mga sahod. Pinakamalaki ang protesta sa Paris, […]

Mga sinisanteng manggagawa sa Lazada, ipinababalik ng Korte Suprema
January 23, 2023

Ipinag-utos ng Korte Suprema na ibalik ng kumpanyang Lazada ang limang “rider” o taga-deliber na sinisante nito noong 2017. Ayon sa Korte Suprema, ang tagadeliber ay regular na manggagawa sa kumpanya, at hindi simpleng “independyenteng kontraktor” tulad ng unang desisyon ng National Labor Relations Commission at Court of Appeals. Ipinag-utos din ng korte na bayaran […]

Reyd sa upisina ng progresibong unyon sa Korea, kinundena
January 23, 2023

Kinundena ng mga progresibong manggagawa at mamamayan sa Asia at sa buong mundo ang ginawang pagreyd ng gubyerno ng South Korea sa tanggapan ng Korean Confederation of Trade Unions (KCTU) noong Enero 18. Sa press conference na isinagawa ng komite sentral ng kumpederasyon, isinalaysay nito kung paanong pwersahang pinasok at 10 oras na hinalughog ng […]

Panrehiyong kumperensya ng Christians for National Liberation sa Negros, idinaos
January 21, 2023

Iniulat noong Enero 19 ng panrehiyong balangay ng Christians for National Liberation (CNL) sa Isla ng Negros ang pagdaraos kamakailan ng isang kumperensya ng mga kasapi nito. Dumalo sa sikretong pagtitipon ang mga rebolusyonaryong Kristyano mula sa iba’t ibang simbahan, denominasyon, kongregasyon at institusyon sa isla. Ang CNL ay isang lihim na organisasyon na kumakatawan […]

Mga upisyal na sangkot sa korapsyon sa DepEd, pinakakasuhan
January 20, 2023

Inirekomenda ng Senado kahapon ang pagsasampa ng kasong korapsyon laban kay Christopher Lloyd Lao, dating upisyal ng Department of Budget at tauhan ng espesyal na assistant ni Rodrigo Duterte, sa kanyang papel sa korapsyon sa Department of Education. Si Lao ngayon ay upisyal sa upisina ni Sen. Bong Go, malapit na tauhan ni Duterte. Itinuro […]

Buwisan ang yaman, hindi ang mamahaling bag lamang ng sobrang mayayaman
January 20, 2023

Hindi sapat na mga “luxury goods” o mamahaling produkto lamang ang buwisan para lumikom ng kailangang pondo para sa bayan. “Hindi ito panghalili sa wealth tax (buwis sa yaman ng mga milyunaryo at bilyunaryo) na makakapaglikom ng mas mataas na pondo para sa kaunlarang panlipunan at pang-ekonomya,” ayon sa institusyong Ibon Foundation. Ipinapanukala sa Kongreso […]

Welga ng 450,000 manggagawa, ikinakasa sa UK
January 20, 2023

Halos kalahating milyong manggagawa na kabilang sa mga unyon sa United Kingdom ang naghahandang magwelga para ipaglaban ang makaratungang pagtaas ng kanilang sahod sa gitna ng pagsirit ng implasyon at pagtaas ng cost of living sa bansa. Karamihan sa kanila ay halos isang dekada nang di nakatatanggap ng dagdag-sahod, at sa aktwal ay dumanas pa […]