Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Operasyong pagmimina sa Sibuyan Island, pansamantalang napatigil
February 05, 2023

Dahil sa mga barikada at sama-samang pagkilos ng mga residente ng Sibuyan Island, natulak ang Altai Philippine Mining Corporation (APMC) na pansamantalang itigil ang mga operasyon nito noong Sabado, Pebrero 4. Napatigil ito matapos mabunyag sa publiko ang maraming paglabag ng kumpanya sa batas at pangwawasak nito sa kapaligiran. Sa harap ng malakas na panawagan […]

Mga pasistang pulis sa Southern Panay, binigwasan ng BHB
February 04, 2023

Iniulat ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Southern Panay ang mga armadong aksyong inilunsad nito sa nagdaang mga buwan laban sa pasista at salot na mga pwersa ng pulis at militar sa timog na bahagi ng isla. Ayon sa yunit, sagot ang mga ito sa matinding militarisasyon at walang puknat na pananalasa ng militar at pulis sa […]

Programa sa ekonomya ni Marcos, di sagot sa krisis
February 04, 2023

Hindi mareresolba ang pangmatagalang krisis sa ekonomya ng Pilipinas sa pamamagitan ng Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028, ang pinakahuling programa sa ekonomya ng estado sa pamumuno ni Ferdinand Marcos Jr. Sa isang porum ng Ibon Foundation noong Enero 30, tinawag nito ang plano na “luma na” at kailangang “baligtarin” para magkaroon ng ekonomyang mapakikinabangan ng […]

Karapatan para magwelga, ipinagtanggol sa UK
February 04, 2023

Inilunsad ng halos kalahating milyong manggagawang bumubuo sa iba’t ibang unyon sa United Kingdom ang mga pagkilos noong Pebrero 1 para ipagtanggol ang kanilang karapatan sa pagwewelga. Nasa sentro ng paglaban na ito ang pagtatakwil sa ipinapanukalang batas kontra-welga (Strikes Bill). Laman ng panukala ang pagpwersa sa mga unyon na mag-iwan ng mga nagtatrabahong mga […]

Barikadang bayan laban sa mina sa Sibuyan, marahas na binuwag
February 04, 2023

Marahas na binuwag ng mga pulis na nagsisilbing gwardya ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC) noong Pebrero 3 ang barikadang bayan ng mga residente ng isla ng Sibuyan, Romblon laban sa pagmimina. Ito ay matapos hinarang ng mga residente, sa pangunguna ng Sibuyanons Against Mining, ang tatlong trak na may kargang nickel ore palabas ng […]

3rd SFB, muli na namang nanalasa sa Lianga
February 03, 2023

Limang magsasaka ang pinaulanan ng bala ng mga sundalo ng 3rd SFB, 9th company sa ilalim ni Army Captain Agoña noong Enero 24, 2023 alas-8 ng umaga sa Sityo Emerald, Diatagon, Lianga, Surigao del Sur. Nasawi rito si Danny Malinao, 48 taong gulang, residente ng naturang lugar. Dinala sa sentro ng sityo ang labi ni […]

Pagbansag na "terorista" sa isang doktor, binatikos
February 01, 2023

Kabi-kabila ang pagbatikos sa resolusyon ng Anti-Terrorism Council (ATC) na nagtalaga kay Dr. Natividad Castro, isang community doctor, bilang isang terorista. Isinapubliko ng naturang konseho ang resolusyong may petsang Disyembre 7, 2022 noong Enero 30. Ang ATC ay kapulungang nilikha sa bisa ng Anti-Terror Law. Si Dr. Castro o Doc Naty ay kilalang duktor na […]

Mga aktibista sa Cordillera, ginigipit; kinasuhan ng rebelyon
February 01, 2023

Inaresto ng mga pulis si Jennifer Awingan, isang katutubo ng Kalinga at myembro ng Cordillera Peoples Alliance (CPA) sa kanyang bahay sa Barangay Pinsao Proper, Baguio City noong Enero 30. Sinampahan siya, kasama ang walo pang progresibo, ng gawa-gawang kasong rebelyon sa rehiyon ng Cordillera at Ilocos. Si Jen Awingan ay mula sa Limos, Kalinga, […]

Planong pagbisita ng US Defense Secretary sa Pilipinas, tinuligsa
January 30, 2023

Tinuligsa ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang nalalapit na planong pagbisita ni US Secretary of Defense Llyod Austin III sa Pilipinas at ang nakatakdang pakikipagpulong ng upisyal ng imperyalistang bayan sa mga upisyal sa depensa ng Pilipinas. Ayon sa US Department of Defense, bibisita si Austin para “isulong ang panrehiyong istabilidad at ibayong palakasin ang […]

Retiradong konsultant ng NDFP, asawa, at isa pa, iligal na inaresto sa GenSan
January 30, 2023

Iligal na inaresto ng mga sundalo at pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) para sa usapang pangkapayapaan na si Ruben Saluta, 75, at kanyang asawa at kapwa rebolusyonaryong si Presentacion Cordon Saluta, 63, at isang pinangalanang Yvonne Losaria sa kanilang tinutuluyang bahay sa […]