Archive of AB Dailies

Permit para sa pagmimina sa South Cotabato, binawi
September 21, 2022

Ipinawalambisa ng upisina ng meyor ng Tampakan, South Cotabato noong Setyembre 13 ang permit na iginawad ng lokal na gubyerno sa Sagittarius Mines Inc. Ayon kay Mayor Leonard Escobilla, napag-alaman ng kanyang upisina na batbat ng panlilinlang at misrepresentasyon ang isinumite nitong paglalarawan sa operasyon ng mina. Ani Escobilla, nakalagay sa aplikasyon nito na isa […]

11 bata, patay sa aerial strike ng huntang militar sa Myanmar
September 21, 2022

Labing-isang bata ang patay sa pang-iistraping ng mga pwersa ng Tatmadaw sa Let Yet Kone sa bayan ng Tabayin, Saigan sa bansang Myanmar noong Setyembre 16. Kaagad na sinunog ng mga sundalo ang mga bangkay para itago ang karumal-dumal na krimen. Ang naturang eskwelahan ay may 240 estudyante, at may mga klase ng kinder hanggang […]

Pagbisita ni Marcos Jr sa US, sinalubong ng mga demonstrasyon
September 20, 2022

Magkakasunod na protesta ang isinalubong ng mga progresibong organisasyon ng mga Pilipino sa isang linggong pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa United States simula Setyembre 18. Sigaw ng mga Pilipino ang mga panawagang panagutin ang pamilyang Marcos sa kanilang mga krimen sa bayan, korapsyon at paglabag sa karapatang-tao. Kinundena rin nila ang sumisirit na […]

Walong-buwang panggagahis ng 8th ID sa isla ng Samar
September 19, 2022

Ipinagmayabang kamakailan ng 8th ID ang pagpakat ng siyam na batalyon o mahigit 2,700 sundalo at paggamit ng mga abanteng kagamitang militar para sa walong buwang nakapokus na operasyong militar mula Pebrero hanggang Agosto sa isla ng Samar. Layon umano nito na durugin o pahinain ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa isla at habulin ang […]

Teroristang bansag ng EU sa partido komunista sa Kurdistan, ipinatatanggal
September 19, 2022

Isang internasyunal na kampanya ang isinusulong ngayon para tanggalin ang Kurdistan Workers’ Party (PKK) sa listahan ng European Union ng mga “teroristang organisasyon.” Ang paninindigang ito ang nilalaman ng isang pahayag na pirmado na ng mahigit 6,000 personalidad, na nagkakaisa na ang gayong hakbangin ay alinsunod sa interes ng kapayapaan, demokrasya at karapatang-tao. Suportado ng […]

Hatol laban sa organisador ng mangggagawa, ibinasura
September 18, 2022

Sa desisyong inilabas noong Huwebes, binaligtad ng Court of Appeals (CA) ang hatol na maysala ng dalawang Regional Trial Court (RTC) ng San Mateo, Rizal laban sa organisador ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na si Marklen Maojo Maga. Ipinawalang-saysay nito ang hatol ng RTC na ikulong si Maga nang walo hanggang 14 na taon sa […]

Mga sektor sa Pisay, tutol sa kasunduan sa RTF-Elcac sa West Visayas
September 18, 2022

Nagpahayag ng nagkakaisang pagtutol ang mga mag-aaral, guro, istap, alumni at mga organisasyon ng iba’t ibang kampus ng Philippine Science High School (PSHS o Pisay) sa binuong kasunduan ng PSHS-Western Visayas Campus (WVC) at ng Regional Task Force-Elcac Region 6 para itatag diumano ang mga “zone of peace” sa mga paaralan. Naniniwala silang bibigyang-daan nito […]

NPA-Agusan del Sur, matagumpay na kinontra ang atake ng AFP
September 18, 2022

Ginulantang ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Agusan del Sur ang umaatakeng pwersa ng pinagkumbinang tropa ng 26th IB, 41st DRC at Special Forces sa mabundok na bahagi ng Barangay Moretola, San Luis, Agusan del Sur noong Setyembre 14. Isa ang napaslang at tatlo ang nasugatan sa mga pasistang sundalo. Tatlong araw nang […]

5 tagapagtanggol ng karapatang-tao, ipinawalang-sala sa gawa-gawang kaso
September 17, 2022

NOT GUILTY’ o walang sala ang hatol ng 8th Municipal Circuit Trial Court sa Galimuyod, Ilocos Sur sa desisyon kahapon laban sa limang kababaihang tagapagtaguyod ng karapatang-tao. Isinampa ang mga kasong bigong homicide ng 81st IB noong Enero 26, 2018 laban kina Sarah Abellon-Alikes, Sherry Mae Soledad, Joanne Villanueva, Rachel Mariano at Asia Isabella Gepte. […]

Kampanya para sa pagpaplaya ng kababaihang bilanggong pulitikal, muling inilunsad
September 17, 2022

Muling inlunsad ng mga grupong kababaihan na Gabriela, Gabriela Youth at Gabriela Women’s Party ang kampanyang ‘Free Our Sisters, Free Ourselves’ kahapon para igiit ang kagyat na pagpapalaya sa lahat ng mga kababaihang bilanggong pulitikal. Kabilang sa mga iginiit na kaagad palayain ay sina Adora Faye de Vera, Atheliana Hijos, Tes Pielago na pawang may […]