Mainit na rebolusyonaryong pagbati ang ipinapaabot ng Kabataang Makabayan-Mindoro sa lahat ng kabataang estudyante sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Estudyante sa buong mundo ngayong ika-17 ng Nobyembre. Malaki at krusyal ang naging tungkulin ng mga kabataang estudyante sa pagsusulong ng pambansa-demokratikong pakikibaka ng mamamayang api sa buong daigdig. Dapat balikan ang militanteng kasaysayan […]
Ginugunita ng NDFP-ST ang isang taong anibersaryo ng pagkamatay ni Josephine “Ka Sandy” Mendoza. Si Ka Sandy ay naging kagawad ng Komite Sentral at ikalawang pangalawang kalihim ng Komiteng Rehiyon ng Partido sa Timog Katagalugan. Pumanaw siya noong Nobyembre 10, 2023 sa karamdaman. Muli, nagbibigay-pugay ang NDFP-ST sa dakilang buhay at pakikibaka ni Ka Sandy. […]
Sa paggunita ng unang anibersaryo ng pagpanaw ni Josephine “Ka Sandy” Mendoza, ay ating inaalala at pinagpupugayan ang kanyang buhay na inialay sa sambayanan. Si Ka Sandy ay isang huwarang Rebolusyonaryong walang-pagod sa paglilingkod, nagpamalas ng walang-katapusang malasakit, at hindi-matitinag na tapang sa harap ng anumang panganib. Siya ang nagbigay-kahulugan sa tunay na paglilingkod sa […]
Mariing nananawagan ang NDF-ST kasama ang rebolusyonaryong mamamayan ng TK na palayain ng GRP si Wigberto Villarico, 68, isang peace consultant ng NDFP na dinakip noong Oktubre 24 sa Quezon City. Ang pagpipiit sa kanya ay labag sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) na kasunduang pinirmahan ng GRP at NDFP sa balangkas […]
Katulad ng mga nakaraang sakuna, labis ang kainutilan ng rehimeng US-Marcos II sa hinaing ng bayan sa gitna ng pananalasa ng bagyong Kristine at Leon. Inutil na inutil si Ferdinand Marcos Jr. na nagsabing siya ay helpless o walang magawa sa pagragasa ng mga bagyo. Ito’y bigong pagsisikap na maghugas-kamay sa harap ng malinaw niyang […]
Sumisigaw ng “Hustisya!” ang sambayanang Pilipino para sa mga biktima ng brutal na gera kontra-droga ng estado lalo ngayong nabunyag sa imbestigasyon ng Kongreso ang mga detalye hinggil sa malawakang pagpaslang sa mga maralitang tinatakang adik at tulak. Hindi dapat matapos ang gumugulong na imbestigasyon sa mga postura at pangangako ng katarungan, kundi dapat itong […]
Patuloy pang tumataas ang bilang ng mga pinsala ng bagyong Kristine pinakahuli ang 145 na nasawi, 150 nawawala, higit 100 ang nasugatan at 1.8 milyong pamilyang apektado o 7 milyong indibidwal. May 1 milyon ang nasa sentro ng ebakwasyon at 40,000 bahay ang nasira. May taya na ₱2.87B ng nasirang agrikultura, ₱3.6B sa imprastraktura at […]
Ipinapahayag ng National Democratic Front of the Philippines Laguna ang pinakamataas na pagkundena sa di-makatarungang pang-aaresto at pagdedetine kay Wigberto Villarico at sa kasama niyang si Marjorie Lizada ng mga armadong pwersa militar at pulisya ng estado ng pangkating US-Marcos II noong Oktubre 24, 2024 sa Quezon City. Si Villarico ay isang NDFP Consultant sa […]
Ngayong Buwan ng Magsasaka, tinatanghal ng rebolusyonaryong mamamayan ng TK ang makatarungang pakikibaka ng mga magsasaka para sa lupa at kabuhayan. Sa nagdaang siglo, pinagkaitan ang mga magsasaka ng lupa sa ngalan ng interes ng mga imperyalistang bansa at mga lokal na kasabwat na burgesya komprador at panginoong maylupa. Patuloy pang dinarahas ang mga magsasaka […]
Hindi dapat magtaka ang reaksyunaryong gubyerno at mga kapitalista kung salubungin ng pambabatikos ang ipinagmamalaki nilang P21-75 taas-sahod sa CALABARZON na inianunsyo nitong Setyembre 30. Lubhang maliit at hinati pa sa dalawang bigayan ang taas-sahod. Kahit idagdag sa kasalukuyang minimum wage sa rehiyon, hindi pa rin aabot ang sahod sa CALABARZON sa kalahati ng P1,200, […]