Archive of Kalatas

Nakaambang tanggalan sa Nexperia, tinututulan ng unyon
February 28, 2023 |

Tinututulan at nilalabanan ng unyong Nexperia Philippines Inc. Workers Union ang nakaambang tanggalan ng 495 manggagawa (375 na kasapi ng unyon, 80 kontraktwal at 40 propesyunal) ngayong Pebrero bunsod ng pagsasara ng Sensors Department at paglipat ng operasyon ng nasabing departamento sa Thailand. Ang mga manggagawang matatanggal ay kabilang sa 801 manggagawang dapat gawing regular […]

Kay Ka Facio
February 28, 2023 |

Kay Ka Facio Mula kay Ka Maya unang gabi ito na hindi ka makakadalo sa bahaginan at talakayan paghahabol sa panahong magkahiwalay iyon ang noon nating nabuong kasunduan ilang taong naging kalakaran hindi tayo maubus-ubusan ng pag-uusapan— tungkol man sa masa, sa ating mga sinisinta, sa kinagigiliwang mga kasama, sa iniwang mga buhay, o sa […]

Kalatas | January 2023
January 31, 2023

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.

Puspusang labanan ang tuta, korap, kriminal na AFP-PNP, ang pasistang kasangkapan ng rehimeng US-Marcos-Duterte
January 31, 2023 |

Higit pang lalala ang atrosidad ng teroristang estado sa mamamayang Pilipino sa pagbabalik-poder ng mga berdugong heneral na sina Andres Centino, Carlito Galvez Jr. at Eduardo Año. Madugo ang rekord ng mga heneral na ito sa ilalim ng tiranikong rehimeng Duterte. Sila ang nanguna sa kontra-rebolusyonaryong gera ng estado na nagresulta sa kabi-kabilang pagpaslang, masaker, […]

Matabang ang kape ng magtutubo sa Batangas
January 31, 2023 |

Tumataas ang presyo ng asukal sa palengke subalit ang presyo ng tubo kada tonelada ay hindi nagbabago. Ito ang inirereklamo ni Tatay Torres, isang maggagapak sa Tuy, Batangas. Bahagi siya ng masang anakpawis na pinipiga ng mga panginoong maylupa’t malalaking burgesya kumprador na kumokontrol at nagpapasasa sa kita ng industriya ng asukal. Monopolyado ng mga […]

Sa ating muling pagtatagpo
January 31, 2023 |

KORESPONSAL Sa ating muling pagtatagpo ni Ka Bora “Isang mapula at mainit na pagbati!” bati ko nang pinagsalita ako bilang representante ng MAKIBAKA* sa ika-54 na anibersaryo ng Partido sa isang sonang gerilya sa Timog Katagalugan. Bago makarating sa site, naligo na ang suot kong t-shirt at parka nang lumangoy ako sa kumunoy na ika […]

Matagal pa bago makauwi si Karen
January 31, 2023 |

Bagong tapak ng elementarya ang bunsong anak ni Karen noong umalis siya para magtrabaho sa isang pabrika ng microchips sa Taiwan. Ngayon, maghahayskul na ang kanyang bunso at patapos na ng senior high school ang panganay. Sa orihinal na plano ng pamilya ay uuwi na si Karen, subalit nagbago ang kanyang pasya nang tumindi ang […]

Tugon ni Patnubay de Guia: Bakit dapat tutulan at labanan ang Maharlika Investment Fund?
January 31, 2023 |

Kasuklam-suklam ang naghaharing kleptokrasya sa pamumuno ni Ferdinand Marcos, Jr. na nagpapakanang ibayong dambungin ang pondo ng bayan sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund (MIF). Ang MIF ay isang sovereign wealth fund (SWF) na inaasahang makakalikom ng inisyal na ₱275 bilyong kapital. Dagdag pasakit ito sa mamamayang Pilipino dahil nanakawin ng reaksyunaryong gubyerno ang kanilang […]

Malalaking protestang masa at welgang bayan sa UK, nagpapatuloy
January 31, 2023 |

Sumasambulat ang malalaking kilos-protesta sa United Kingdom, isang panlipunang ligalig na yumayanig sa noo’y pinakamakapangyarihang imperyo sa daigdig. Ang daluyong ng protestang nagsimula pa noong 2019 hanggang sa kasalukuyan ang pinakamalaki sa UK mula nang pumutok ang Pandaigdigang Krisis sa Pinansya noong 2008. Lumalahok sa mga pagkilos ang mga manggagawa, propesyunal, mga kabataan, bitbit ang […]

Makabuluhang mga akda ng dakilang tagapangulong tagapagtatag
January 31, 2023 |

Isang dakilang mag-aaral ng masa at dalubhasa ng Marxismo-Leninismo-Maoismo (MLM) si Ka Joma. Sa kanyang buong buhay, nailimbag ang napakaraming mga akdang naging pundasyon ng muling pagsilang at tuluy-tuloy na pagsulong ng rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas. Matalas na ipinagtanggol niya ang MLM sa harap ng opensiba ng imperyalismo at pandaigdigang burgesya laluna matapos na mamatay […]