Anak at manugang ni Ka Oris, pinatay ng AFP

,
Ang artikulong ito ay may salin sa Bisaya

Pinatay ng mga elemento ng 4th ID habang nasa kustodiya nila ang mag-asawang Vincent Madlos at Glorivic Belandres noong Setyembre 3. Si Vincent ay anak nina Ka Oris at Ka Maria Malaya.

Taliwas sa ipinagmamayabang ng militar, hindi namatay ang dalawa sa engkwentro sa Barangay Capitan Bayong, Impasug-ong, Bukidnon. Kaagad na inulat ng Bagong Hukbong Bayan-North Central Mindanao Region (BHB-NCMR) na nadakip ang dalawa habang naghihintay ng sundo sa Atugan Bridge sa parehong munisipalidad noong Setyembre 3. Walang naganap na engkwentro sa Barangay Capitan Bayong sa araw na iyon, ayon sa BHB-NCMR. Ang baryo na ito ay 1.5 kilomentro ang layo sa tulay ng Atugan.

Ang pagpatay sa dalawa ay labag sa mga tuntunin sa digma na nagtitiyak sa buhay at dignidad ng sinumang kombatant na nadakip o wala sa kakayahang lumaban. Labag din sa mga batas ng digma ang paglapastangan sa mga bangkay ng mga napatay, tulad ng lagi’t laging ginagawa ng militar para palabasing namatay sa mga “engkwentro” ang mga kasamang nadadakip nila.

Anak at manugang ni Ka Oris, pinatay ng AFP