Pulis sa Southern Panay, binigwasan ng BHB

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisaya

Iniulat ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Southern Panay ang mga armadong aksyong inilunsad nito sa nagdaang mga buwan laban sa salot na mga pwersa ng pulis at militar sa bahaging timog ng isla.

Pinaputukan ng yunit ng BHB ang detatsment ng 2nd Platoon, 1st Iloilo Mobile Company ng pulis sa Barangay Mayang, Tubungan, Iloilo noong Pebrero 1. Bago nito, pinaputukan ng hukbong bayan ang detatsment ng CAFGU sa Barangay Tubudan, San Remegio, Antique noong Enero 28.

Samantala, noong Disyembre 11, 2022, inambus ng BHB ang pinagsanib na pwersa ng San Remegio Municipal Police Station at Antique Mobile Force na nag-ooperasyon sa Barangay Aningalan, San Remigio, Antique. Dalawang pulis ang nasugatan sa ambus.

Sa isla ng Negros, napinsalaan ng BHB-Southwest Negros ang mga sundalo ng 15th IB sa isang engkwentro sa Sityo Malipayon, Barangay San Jose, Sipalay City noong Enero 18. Tatlo ang kumpirmadong napaslang sa 15th IB habang pito ang nasugatan.

Pinaputukan naman ng BHB-North Negros ang detatsment ng CAFGU sa Barangay Bandila, Toboso, Negros Occidental noong Enero 31.

Pulis sa Southern Panay, binigwasan ng BHB