Mga protesta

,

 

Reklamasyon, tutulan. Nagprotesta noong Enero 19 ang mga mangingisda at tagapagtanggol ng kalikasan sa Department of Environment and Natural Resources sa Quezon City para muling igiit ang pagpapahinto sa mga proyektong reklamasyon sa bansa. Inilunsad ito kasabay ng ika-5 taong anibersaryo ng Manila Bay Rehabilitation Program.

Palayain si Mary Jane Veloso. Nagprotesta ang mga kaanak ni Mary Jane Veloso at kanyang mga taga-suporta sa Mendiola, Manila noong Enero 10 para igiit sa rehimeng Marcos na hilingin sa Indonesia na palayain si Veloso sa halos 14 na taon nang pagkakapiit. Nakakulong si Veloso sa Indonesia simula pa 2010 nang mabiktima ng human and drug trafficking. Kasabay ang piket ng kaarawan ni Veloso at pagbisita ni Indonesian President Joko Widodo sa Pilipinas.

Tanggalan sa migranteng manggagawang Pilipino sa New Zealand, nilalabanan. Nagtipun-tipon ang mga manggagawa ng kumpanya sa Auckland, Wellington at Christchurch sa New Zealnad noong Enero 19 para kalampagin ang ELE at ang gubyerno ng Pilipinas na kagyat na ibigay ang sahod at ayudang nararapat sa kanila. Nawalan ng trabaho ang mahigit 1,000 manggagawa, kabilang ang 495 manggagawang Pilipino, nang nagdeklara ng pagkabangkarote ang ELE Holdings Ltd sa New Zealand, apat na araw bago magpasko noong Disyembre 2023. Ang ELE Holdings ay grupo ng limang kumpanya kung saan kabilang ang malaking ahensya sa paggawa (manpower agency) na nag-eempleyo ng mga temporaryong migranteng manggagawa.

Ihinto ang pagmimina sa Homonhon at Manicani. Muling naglunsad ng rali ang mga residente ng Eeastern Samar, sa pangunguna ng Save Homonhon Movement, noong Enero 20 sa bayan ng Guiuan para ipahinto ang mapangwasak na pagmimina sa mga isla ng Homonhon at Manicani. Kaisa sa pagkilos ang mga relihiyosong grupo at mga parokya ng simbahang Katoliko sa prubinsya.

Mga protesta