Pagbukas sa municipal waters sa komersyal na pangingisda, binatikos
Mariing kinundena ng mga grupong mamamalakaya ang pagkatig ng Korte Suprema sa petisyon ng isang kumpanya na ibukas ang municipal waters sa pandarambong ng malaking komersyal na pangisda. Ang municipal waters ay karagatang saklaw ang 15 kilometro mula sa baybay.
Ayon sa Pamalakaya, pipinsalain ng desisyong ito ang kabuhayan ng nasa 2 milyong mamamalakaya. Hindi kayang makipagkumpetisyon ng maliliit na mangingisda na gumagamit ng tradisyunal at manwal na mga pamamamaraan ng paghuli ng isda sa mga abante, at kadalasan ay mapaminsala, na mga kagamitan at teknolohiya ng komersyal na mangingisda, anito.
Dahil sa abanteng kagamitan, mabilis na nasasaid ng malalaking barkong pangisda ang lahat ng klase ng yamang-dagat.
Pagbukas sa municipal waters sa komersyal na pangingisda, binatikos