Mga protesta

,

 

Walk-out sa UP Baguio. Tinatayang 1,200 mga estudyante, guro at empleyado ng University of the Philippines (UP)-Baguio ang lumahok sa isinagawang walk-out noong Pebrero 26 para sa mataas na pondo sa edukasyon, transparency sa badyet, at pananagutan ng administrasyon. Pinakamalaki ang demonstrasyon na ito sa nagdaang ilang taon sa UP Baguio. Sa pangunguna ng Alliance of Concerned Students (ACS), binatikos nila ang maling paggamit sa pondo ng unibersidad na nailantad noong Disyembre 2024 sa Commission on Audit 2023 Annual Audit Report.

Indak-protesta ng kababaihan. Nasa 1,000 kababaihang manggagawa ng Southern Tagalog ang nagtipon sa Laguna para ilunsad ang indak-protesta na bahagi ng kilusang One Billion Rising noong Marso 2. Pinangunahan ng Women Workers United (WWU) ang aktibidad na nanawagan para sa pagwawakas ng karahasan sa lugar ng paggawa, pagtataas ng sahod sa nakabubuhay na antas, regular at disenteng trabaho, akses sa pampublikong serbisyo at karapatan ng mga manggagawang mag-unyon.

30 taon ng Philippine Mining Act. Nagprotesta sa paanan ng Mendiola sa Maynila ang mga grupong makakalikasan sa ilalim ng Kalikasan PNE at iba pang mga progresibong grupo para ipanawagan ang pagbabasura sa Philippine Mining Act of 1995 sa ika-30 taon nito noong Marso 3. Dala ng mga nagprotesta ang isang mapa ng Pilipinas na nagpapakita kung nasaan ang pinakamalalaking minahan sa bansa at ang mga dinastiya sa pulitika na nagmamay-ari ng mga to.

Atin ang 15-kilometro. Nagkaisa ang higit 100 mangingisda, akademiko, mga estudyante at taong-simbahan ng Iloilo sa pagbubuo ng alyansang Aton ang Kinse Kilometro noong Marso 3 para ipagtanggol ang karapatan ng maliliit na mangingisda sa 15-kilometrong municipal water. Dumalo at nakilahok sa pagtitipon ang mga kasapi ng Pamalakaya mula sa Panay.

Mga protesta