Lider-rebolusyonaryo sa Panay, pinarangalan

,

Pinagpugayan ng Komiteng Rehiyon sa Panay ng Partido Komunista ng Pilipinas ang isa sa mga itinatanging lider ng rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon na si Roberto Moises Cabales (Kasamang William) na pinatay ng militar at pulis noong Oktubre 5 ng gabi sa Barangay Coto, Lambunao, Iloilo. Pinalalabas ng mga pwersa ng estado na nanlaban si Cabales at kasama niyang si Mateo Suarez (Kasamang Badong) habang diumano’y inihahain sa kanila ang isang mandaymento de aresto. Pinabulaan ng mga residente ng barangay na may naganap na engkwentro.

Sa kanyang kabataan, nag-aral para maging duktor si Cabales. Sa loob ng ilang dekada, nagsilbi siya sa masang Pilipino at naging katuwang ng Komiteng Rehiyon sa pamumuno sa rebolusyonaryong kilusan sa Panay. Si Cabales ay naging isa ring bilanggong pulitikal noong 1999.

Samantala, si Suarez ay isang dating myembro ng BHB na nagpasyang umalis ilang taon na ang nakalipas dahil sa kalagayang pisikal. Matapos nito, nanatili siyang tapat at mataas ang hangaring makatulong at tumuwang sa rebolusyonaryong kilusan. Naging isang bilanggong pulitikal rin si Suarez noong 2012.

Lider-rebolusyonaryo sa Panay, pinarangalan