Asembliya ng KM sa Metro Manila, naisagawa

,

Naglunsad ng asembliya ang isa sa mga balangay ng Kabataang Makabayan (KM)-Metro Manila Luzille Gypsy Zabala Brigade sa isang sikretong lokasyon noong Nobyembre 16. Isinagawa ang pagtitipon bilang bahagi ng paggunita sa ika-61 anibersaryo ng KM sa Nobyembre 30.

Tinalakay sa asembliya ang mahigpit na tungkulin ng KM sa pagpapalakas ng kilusang kabataan-estudyante sa sentrong lungsod. Ayon kay Ka Karso Mapagpalaya, isa sa dumalo sa asembliya, handa ang kabataan sa rehiyon na tanganan ang rebolusyonaryong mga tungkulin ng KM.

Aniya, bibiguin ng KM ang mga pasistang atake ng rehimeng Marcos Jr at tutupdin ang tungkulin ng paglahok ng kabataan sa landas ng armadong pakikibaka. “Dapat isapuso ng bawat kabataan ang ultimong kahalagahan ng KM sa pagsusulong ng rebolusyong Pilipino!”

Asembliya ng KM sa Metro Manila, naisagawa