Aset na sangkot sa pagpatay kay Ka Juanito Magbanua, napatay

,

Napatay ng bagong Hukbong Bayan (BHB)-South Central Negros (Romeo Nanta Command) sa inilunsad nitong armadong aksyon ang intel aset ng 94th IB na si Jomy Pelarta noong Nobyembre 6 ng gabi sa Sityo Sig-ang, Barangay Carabalan, Himamaylan City, Negros Occidental. Sangkot si Pelarta sa pagpatay sa hors de combat na tagapagsalita ng BHB-Negros Island na si Ka Juanito Magbanua (Romeo Nanta) noong 2022.

Si Pelarta ang nagturo sa lokasyon ni Ka Juanito sa Sityo Medel. Dinakip, tinortyur at sadyang pinaslang ng mga sundalo ang noo’y naka-medical leave na tagapagsalita. Matapos nito, pinalabas na napaslang siya sa isang armadong engkwentro. Imbwelto rin si Pelarta sa pagpapareyd sa yunit ng BHB ilang araw bago niya ipinadakip si Ka Juanito. Sangkot din si Pelarta sa dalawang kaso ng panggagahasa, at tangkang panggagahasa.

Aset na sangkot sa pagpatay kay Ka Juanito Magbanua, napatay