4 na sundalo ng AFP, napatay sa mga engkwentro sa BHB
Napatay ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang apat na sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa magkahiwalay na engkwentro sa Samar at Occidental Mindoro.
Sa panimulang ulat, hindi bababa dalawang sundalo ng 8th ID ang napatay sa armadong aksyon ng BHB sa Barangay Babaclayon, San Jose de Buan, Samar noong Disyembre 3. Sa Occidental Mindoro, dalawang sundalo ng 76th IB ang napatay sa engkwentro sa Sityo Balite, Barangay Lumangbayan, Abra de Ilog noong Nobyembre 26. Maraming iba pa ang naiulat na nasugatan sa mga sundalo.
Samantala, noong Oktubre 28 ay tatlong tropa ng 62nd IB ang napatay sa engkwentro sa BHB sa Barangay Quintin Remo, Moises Padilla, Negros Occidental. Sa pagkatalo nito, nagpaulan ng bala ang 62nd IB at napatay ang isang 6-taong gulang na bata.