Hindi naglulubay na mga pagkilos

,

Bago at pagkatapos ng Nobyembre 30, tuluy-tuloy ang paglulunsad ng KBKK ng mga Black Friday Protest at ibang pagkilos.

Tampok noong Nobyembre 21 ang pambansang walkout ng Youth Rage Against Corruption. Nagmartsa ang 1,500 kabataan sa Mendiola sa araw na iyon. Kinabukasan, magkahiwalay na aktibidad ang inilunsad ng Seniors Kontra Kurakot at ng mga siklista bilang protesta.

Noong Nobyembre 28, isang pambansang sit-down strike at protesta ang pinangunahan ng Alliance of Concerned Teachers-Philippines. Nakiisa sa aktibidad ang mga guro sa higit 400 pampublikong paaralan sa 14 na rehiyon sa bansa.

Hindi naglulubay na mga pagkilos