Ginugunita ng NDFP-ST at mamamayan ng Timog Katagalugan ang ika-36 taon ng Mendiola Massacre na kumitil sa buhay ng 13 magsasakang nakibaka para sa karapatan sa lupa at iba pang serbisyong panlipunan. Kaisa ng magsasaka at sambayanang Pilipino ang NDFP-ST sa kanilang laban para sa lupa at kamtin ang hustisya sa mga biktima ng Mendiola […]
Nagpupuyos sa galit ang mamamayan ng Timog Katagalugan sa pagdismiss ng Department of Justice (DOJ) sa kasong murder ng 17 pulis at isang ahente ng CIDG kay Emmanuel “Ka Manny” Asuncion ng BAYAN-Cavite sa Bloody Sunday noong Marso 7, 2021. Hindi maikakaila na ang DOJ ay protektor ng mamamatay-taong estado at nagpapatupad ng hungkag na […]
Mariing kinukundena ng Revolutionary Council of Trade Unions (RCTU-NDF-ST) ang rehimeng US-Marcos-Duterte at ang protektor ng mga kriminal na kalihim ng Department of Justice (DOJ) na si Crispin Remulla sa pagmaniubra para iabswelto ang mga pulis na pumatay kay Manny Asuncion. Nakapagngingitngit sa galit ang inilabas na desisyon ng Panel of Prosecutor ng DOJ na […]
Pinagdudusahan ngayon ng mamamayang Pilipino ang walang pakundangang pangwawasak sa kalikasan ng mga ganid na dayuhan at lokal na kapitalista sa ngalan ng pagkakamal ng tubo. Sa nakaraang buwan, naganap ang matitinding pagbaha sa Mindanao at Timog Palawan matapos ang mga pag-ulan na dala ng shearline at amihan. Nasa higit 3,900 pamilya mula sa Brooke’s […]
Kaisa ng mamamayang Pilipino ang NDFP-ST sa pagtutol at paglaban sa mga kasunduang binuo nina Xi Jinping at Ferdinand Marcos Jr. matapos ang pagdalaw ng huli sa China noong Enero 3-5. Mayroong 14 na bilateral na kasunduang pinirmahan ang dalawa, pinakatampok ang kaugnay sa pagmimina ng langis sa West Philippine Sea (WPS). Samantala, hindi inilalantad […]
Dapat na tuligsain ang dayuhan at malakihang operasyon ng mina at iba pang mapaminsalang proyekto sa probinsya na pangunahing sanhi ng malawakang pagbaha, laluna sa bayan ng Brooke’s Point. Dinisloka ng kalamidad na ito ang 3,903 pamilya o 19,292 indibidwal sa 16 sa 18 barangay sa nasabing bayan, ayon sa ulat ng PDRRMO. Para sa […]
Taimtim at rebolusyonaryong pagsaludo at pinakamataas na pagpaparangal ang iginagawad ng Pambansang Katipunan ng Magbubukid sa Timog Katagalugan sa mahal na Ka. Jose Maria ‘Ka. Joma’ Sison sa araw na ito ng kanyang imortalidad. Ang paglahok ng masang magsasaka kasama ang iba pang mga api at pinagsasamantalahang mamamayan sa kanayunan ng Timog Katagalugan sa pagsusulong […]
Bukas na liham sa Rappler ni Ka Eduardo Labrador, Tagapagsalita ng PKM-TK Isa sa madalas kong inaabangan ay ang mga progresibong balita, analisis at editoryal ng inyong onlayn na pahayagan. Nakakalibang din na pagpalipasan ng oras ang mga balita na may haplit at may katuturan. Lalo’t sa ‘bukang bibig nyo’ ika nga na Fact […]
Sampu ng mga kabataan at bagong henerasyong rebolusyonaryo, nagbibigay-pugay at kinikilala namin si Kasamang Jose Maria “Joma” Sison bilang pinakadakilang Pilipino at lider rebolusyonaryo ng nagdaang siglo. Ang kanyang pagpanaw ay hindi pagtatapos ng rebolusyon, kundi pagsisimula ng panibagong yugto ng pagbangon ng sambayanan at pag-usbong ng mga bagong Ka Joma sa hanay ng mga […]
Ipinapaabot ng KADUMAGETAN ang pakikiramay nito sa mga pamilya nina Teresita Quinto, Maylard Keith Fernandez, Leonida Doroteo, Salvacion Delgado, Carmen Dela Cruz, Esmena Doroteo, Avelino Buera, at Deodora Buera, mga katutubong Dumagat na namatay sa flash flood noong Disyembre 10, 2022 sa Brgy. Sta. Inez, Tanay, Rizal. Pauwi na ang 7 katutubong senior citizen kasama […]