Mariing kinokondena ng KADUMAGETAN ang sabwatan ng Manila Water Sewerage System (MWSS) at National Commision on Indigenous People (NCIP) sa pagraratsada ng proyekto ng Kaliwa Dam. Kamakailan ay nalantad ang pagmamanipula ng MWSS at NCIP sa laban ng mga katutubong Dumagat sa Kaliwa Dam, nang ihayag ng mga ito ang diumano’y pagsang-ayon ng mga komunidad […]
Kasama ng buong hanay ng rebolusyonaryong kilusan sa probinsya ng Palawan, mahigpit na nakikiisa at taas-kamaong nagpupugay ang BVC-NPA Palawan at NDF-Palawan sa maningning na ika-54 anibersaryo ng pagkakatatag ng ating pinakamamahal na Communist Party of the Philippines (CPP). Mahusay nitong pinamunuan sa teoryang gabay ng Marxismo-Leninismo-Maoismo ang buong sambayanang nakikibaka sa pagsusulong ng demokratikong […]
Letter to the Editor Disyembre 21, 2022 Mga kinauukulang kasapi ng Editoryal Board ng Rappler, Pinakamainit na rebolusyonaryong pagbati! Sana’y ligtas kayo sa gitna ng matinding pang-aatake ng rehimeng Marcos-Duterte sa karapatan sa malayang pamamahayag at iba pang demokratikong karapatan. Ikinalulugod naming mabasa ang ilang mga artikulong progresibo mula sa inyong news outlet sa […]
Nagpupugay ang NDFP-Mindoro kay Kasamang Jose Maria Sison o Ka Joma, tagapangulong tagapagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas – Marxismo-Leninismo-Maoismo (PKP-MLM) at Chief Political Consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Habambuhay na mananatili sa puso ng mamamayang Mindoreño ang buhay at pakikibaka ni Ka Joma at ang kanyang malaking ambag sa rebolusyong […]
Ang Revolutionary Council of Trade Unions – National Democratic Front of the Philippines – Southern Tagalog (RCTU-NDF-ST) ay kaisa ng kanyang pamilya, mga kaibigan, mga rebolusyonaryong pwersa at inaaping sambayanang Pilipino sa pagdadalamhati sa pagpanaw ni Ka Joma Sison, ang dakilang komunistang Pilipino sa kasalukuyang panahon at tagapangulong tagapagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas sa […]
Kasinungalingan ang pahayag ng Department of National Defense (DND) na sa pagpanaw ni Kasamang Jose Maria Sison, nawala ang pinakamalaking balakid sa pagkakamit ng kapayapaan sa Pilipinas. Dapat itakwil ang imbing pakana na dungisan ang pangalan ni Ka Joma at ang dakila’t makatwirang rebolusyon na buong buhay niyang isinulong. Si Ka Joma ang tagapangulong tagapagtatag […]
Kasama ng buong manggagawa sa pribado at pampublikong sektor, mga organisasyon at indibidwal na may pagpapahalaga sa kapakanan ng bayan, nakikiisa ang Revolutionary Council of Trade Union – NDF – Southern Tagalog (RCTU-NDF-ST) sa mariing pagtuligsa at pagtutol sa plano ni Marcos na itatag ang Maharlika Investment Fund (MIF). Ganap na niratsada tungo sa senado […]
Makatwiran ang pagtutol ng mamamayang Pilipino sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) na pakana ni Marcos Jr. para sa lantarang pagnanakaw sa pondo ng bayan. Kaisa ng NDFP-ST ang sambayanang Pilipino sa labang ito. Isinusulong ang MIF sa Kamara sa pangunguna ng mga kapamilya at alipores ni Marcos Jr. na sina House Speaker Ferdinand Martin […]
Makatarungan at lubhang kinakailangan ang taas-sahod na panawagan ng mga manggagawa at buong bayan sa gitna ng lumalalang kahirapan sa bansa. Ito lamang ang sagot sa napakalaking kakapusan ng kasalukuyang sahod para abutin ang inirerekomendang family living wage o FLW (P1,140) na sapat sa pangangailangan ng isang pamilya. Buo ang suporta ng NDFP-ST rito at […]
Pinakamataas na pagpupugay ang iginagawad ng Artista at Manunulat ng Sambayanan-Timog Katagalugan (ARMAS-TK) kay Ericson Acosta na namartir noong Nobyembre 30. Dinukot at brutal na pinatay ng 94th at 47th IB ang NDFP peace consultant na si Ericson Acosta at kasamahan niyang organisador ng magsasaka na si Joseph Jimenez sa Barangay Camansi, Kabankalan City, Negros […]