Mariing kinukundena ng NDFP-Palawan, kaisa ng malawak na hanay ng mamamayang Palaweño, ang ginagawang pagraratsada ng rehimeng US-Marcos II na baguhin ang Konstitusyong 1987. Sa gitna ng krisis pang-ekonomya na nagdulot ng ibayong kahirapan at pagdurusa ng mamamayan, sukdulan ang pagpapauna sa makitid na makauring interes ng malalaking burgesya kumprador, panginoong maylupa at pangangayupapa sa […]
Sa ika-2 ng Enero, 37 taon, pampitong rehimen ang ilehitimong administrasyon ni Marcos Jr, wala pa ring natatamong hustisya ang 13 biktimang magbubukid ng karumal dumal na masaker sa paanan ng Mendiola. Malinaw ang may sala, ang militar at Philippine Constabulary o PC. Walang sinuman ang naparusahan. Larawan ito ng kabulukan at umaalingasaw na reaksonaryong […]
Tatlompu’t pitong taon na ang lumipas ngunit sariwa pa rin sa alaala ng maraming Pilipino ang Mendiola Masaker—ang walang-habas na pagpaslang ng berdugong pulis at militar sa 13 magsasaka na nagkilos-protesta upang singilin ang rehimeng US-Cory sa pangako nitong repormang agraryo sa mga magbubukid. Sa halip na tugunan ang matagal nang panawagan ng karaniwang mamamayan […]
Marapat na patuloy na kundinahin at papanagutin ang imperyalismong US at China sa ginagawa nilang militarisasyon sa West Philippine Sea (WPS) dahil paglabag ito sa pambansang soberanya at integridad ng Pilipinas. Ang kanilang presensyang militar sa WPS ay nagsasapanganib sa buhay ng mamamayang Pilipino lalo’t umiigting ang tensyon ng dalawang imperyalista sa rehiyong Asia Pacific. […]
Katawa-tawa, makaisang panig at nagpakita ng sukdulang kamangmangan ang mga pahayag ng Asistant Director General na si Jonathan E. Malaya ng National Securty Council sa kanyang panayam sa isang burges, reaksyonaryo at komersyalisado na lokal na istasyon ng radyo/telibisyon sa bansa. Puno rin ng salamangka at paglulubid ng buhangin ang kanyang sinulat sa Rappler. Bentang […]
Nagmistulang lugar-digmaan ang karagatan ng Mindoro sa saklaw ng West Philippine Sea (WPS) dahil sa pang-uupat kapwa ng US at Tsina. Ipinagmalaki ng AFP at ng tropang US ang ginanap na dalawang araw (Enero 4-5) na “maritime cooperative activity” (MCA) o isang pinaikling balikatan exercises sa Cabra Island, Occidental Mindoro na saklaw ng West Philippine […]
Mariing kinukundena ng NDFP-ST ang AFP sa pandadamay nito at pagpatay sa mga sibilyang sina Pretty Sheine Anacta, 19, at Rose Jane Agda, 30, sa nangyaring labanan noong Disyembre 17 sa Brgy. Malalay, Balayan, Batangas. Malinaw itong krimen at paglabag sa internasyunal na makataong batas hinggil sa pagtrato sa mga sibilyan sa gitna ng gera […]
Taas-kamaong nagpupugay ang lahat ng rebolusyonaryong pwersa ng Timog Katagalugan sa Partido Komunista ng Pilipinas (Marxismo-Leninismo-Maoismo) sa okasyon ng ika-55 taong anibersaryo ng natatanging partido ng proletaryado sa bansa. Walang takot at matatag nitong pinamumunuan ang bagong tipong pambansa-demokratikong rebolusyon na isinusulong ng mamamayang Pilipino upang ibagsak ang mga salot sa bayan na imperyalismo, pyudalismo, […]
“Ang lugar ng kababaihan ay nasa rebolusyon.” Pinakamataas na pagpupugay at Pulang saludo ang iniaalay ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan-Batangas at ng buong sambayanang Pilipino sa limang kasapi ng Bagong Hukbong Bayan na sina Joy “Ka Kyrie” Mercado, Leonardo “Ka Mendel” Manahan, Maria Jetruth “Ka Seven/Orya” Jolongbayan, Allyssa “Ka Ilaya” Lemoncito at Precious Allysa […]
Iginagawad ng mga rebolusyonaryong kabataan sa probinsya ng Laguna ang pinakamataas na pulang pagpupugay at parangal para kay Ka Ilaya/Seda at kilala sa tunay na pangalan na Allyssa Lemoncito upang dakilain ang katangi-tanging buhay, lakas, at talino na inialay niya para sa pagsisilbi sa pinakamataas na porma sa malawak na sambayanang api. Disyembre 17, 2023 […]