Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  

 
 
CPP Documents
Saligang Batas
CPP History
Rectify Errors and Rebuild the Party
Specific Characteristics of our People's War
Our Urgent Tasks
Program

Iwasto ang mga Kamalian at Muling Itatag ang Partido

I. MARXISMO-LENINISMO-KAISIPANG MAO TSETUNG ANG PATNUBAY NATIN SA PAGPUNA SA SARILI AT MULING PAGTATAYO NG PARTIDO

Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung ang pinakamataas na kaunlaran ng proletaryong rebolusyonaryong ideolohia sa kasalukuyang panahon sa daigdig. Sa panahong ito, ang tunay na rebolusyonaryong partidong proletaryo ay kailangang patuloy na magsumikap sa pagsasanib ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung at rebolusyonaryong praktika upang matamo ang lubusang tagumpay.

Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung ang kataas-taasang patnubay sa pagsusuri at paglalagom ng karanasan ng Partido Komunista ng Pilipinas. Sa mula't mula pa, kometido na ang ating Partido sa teorya ng Marxismo-Leninismo at sa mapanlikhang paggamit nito sa partikular na kalagayan sa Pilipinas sa pakikibaka sa imperyalismong Amerikano, pyudalismo at burukratang kapitalismo. Nakikinabang sa patuloy na pag-unlad ng teorya at praktika ng internasyonal na kilusang komunista, ang ating Partido ay kometido sa teorya at praktika ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung na siya ngayong pinakamataas na kaunlaran ng rebolusyonaryong ideolohiang proletaryo.

Tayo ngayon ay nasa yugto ng kasaysayan ng daigdig at ng internasyunal na kilusang komunista na ang lahat ng partido at kadreng rebolusyonaryo ay muling nagsusuri ng kanilang karanasan alinsunod sa Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung. Idagdag ang sumusunod: Ang mga partido komunista tulad ng Partido Komunista ng Pilipinas na hindi pa nakapagtatatag ng rebolusyonaryong kapangyarihang proletaryo ay nahaharap sa suliranin kung susunod o hindi sa Marxismo-Leninismo- Kaisipang Mao Tsetung. Ang mahigpit na suliraning ito ay lalong pinasisidhi ng paglitaw at pangdaigdigang kampanya ng makabagong rebisyonismo.

Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung ang nagtatakda ng linyang naghahati sa mga rebolusyonaryong proletaryo at sa mga nagkukunwaring rebolusyonaryo sa panahong ito ng malakihang pag-aalsa, malakihang pagkakahati at malakihang muling pagbubuo ng mga pwersang pampulitika. Pinapatnubayan ngayon ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung ang lahat ng rebolusyonaryong kilusang proletaryo na nagbibigay ng nakamamatay na dagok sa imperyalismong Amerikano, makabagong rebisyonismo at lahat ng reaksyon. Ang patuloy na kabiguan ng mga lumang partidong hindi pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung ay nagpapatunay lamang na hindi makakamit at mapatatatag ang rebolusyon kung walang pamamatnubay at tapat na pagsasagawa ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung. Sapat na sapat na ang katibayang ipinakikita ng karanasan ng mga partidong rebisyonista sa buong daigdig. Ang kasaysayan ng ating Partido ay batbat ng kabiguan dahil sa malulubhang kamalian at kahinaang dapat iwasto ngayon alinsunod sa Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung.

Habang ang makabagong rebisyonismo ay itinataguyod at ikinakalat ng pangkatin ng makabagong rebisyonista na nakahimpil sa Unyon Sobyet, lahat ng rebolusyonaryong proletaryo ay natutulak na magpahayag at kumilos alinsunod sa Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung na siyang rurok ng rebolusyonaryong ideolohiang proletaryo sa panahong ito ng daigdig. Dalawang hakbang na pasulong ang isinasagawa ngayon sa tulong Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung. Sa tuwirang pamumuno ng Tagapangulong Mao Tsetung, ang Republikang Bayan ng Tsina ay naging sentro ng rebolusyong pandaigdig.

Sa Pilipinas na hindi pa napalalaya sa kamay ng imperyalismong Amerikano at pyudalismo tiyak na lalala ang agos ng rebisyonismo tulad ng nagaganap ngayon. Ang mga agos ng oportunismo na nagmumula sa petiburgesia at burgesia ay nagsisilbing batayan ng pagpapaibabaw ng makabagong rebisyonismo mula sa pandaigdigang sentro nito sa Mosku. Kung hindi mabisang babakahin ang makabagong rebisyonismo sa pamamagitan ng tumpak na teorya at praktika, makapananatili sa lipunang Pilipino ang imperyalismong Amerikano, katutubong pyudalismo at burukratang kapitalismo.

Party Constitution Bottom I II III IV V
Back to top


NILALAMAN:


I. Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung ang patnubay natin sa pagpuna sa sarili at muling pagtatayo ng Partido

II. Paglalagom ng ating karanasan at paghango ng mga rebolusyonaryong aral

III. Maikling balik-aral sa kasaysayan

A. Pagtatatag ng Partido at ilegalisasyon nito
B. Pagsasanib ng Partido Komunista at ng Partido Sosyalista
K. Ang Partido sa panahon ng pananakop ng Hapon
D. Ang Partido sa pagbalik ng imperyalismong Amerikano
E. Ang Partido sa panahon ng adbenturismong militar
G. Ang Partido sa panahon ng patuloy na pagkatalong militar

IV. Mga pangunahing kamalian at kahinaan

A. Mga kahinaan sa ideolohia
B. Mga kamalian sa pulitika
K. Mga kamalian sa militar
D. Mga kamalian sa organisasyon

V. Tatlong pangunahing tungkulin

A. Pagtatayo ng Partido
B. Sandatahang pakikibaka
K. Ang pambansang nagkakaisang prente


Download Pilipino | English

Basahin sa Ingles

Basahin sa Hiligaynon


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | Public Info]
[Publications | Specials]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Party Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.