Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  

 
 
CPP Documents
Saligang Batas
CPP History
Rectify Errors and Rebuild the Party
Specific Characteristics of our People's War
Our Urgent Tasks
Program

III. MAIKLING BALIK-ARAL SA KASAYSAYAN

K. Ang Partido sa panahon ng pananakop ng Hapon

Nang sakupin ng mga manlulusob na Hapones ang Maynila noong Enero 1942, walang ginawang anumang hakbang ang liderato ng Partido upang lisanin ang lunsod sa sistematikong paraan, kaya hindi naglaon ay madaling nadakip ng mga pasistang Hapones ang unang linya ng liderato. Ang pangalawang linya ng liderato at ang masang kasapi ng Partido na nakatipon din sa lunsod ay nagpanakbuhan na lamang sa iba't ibang dako ng kanayunan. Gayunman, ang karamihan sa mga kasapi ng Partido ay nagpanakbuhan sa iba't ibang bayan sa Gitnang Luson ngunit wala namang koordinasyon.

Ang Komperensya ng Kawanihan ng Gitnang Luson (Central Luzon Bureau Conference) ay idinaos noong Pebrero 6, 1942 upang talakayin ang mga patakaran ng Partido sa harap ng malubhang kalagayan. Sa komperensyang ito ipinasyang buuin ang isang hukbong gerilya at ginawang lehitimo ang pag-akyat ng pangalawang linya ng liderato sa sentral na pamunuan. Si Vicente Lava na naging pangkalahatang kalihim ay nahalal nang wala sa pulong sapagkat umurong siya sa lalawigang Rizal. Makaraan ang mahigit na isang buwan, noong Marso 29, ang Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon (Hukbalahap) ay itinatag sa Sitio Bawit, Baryo San Lorenzo, Cabiao, Nueva Ecija.

Samantala, dalawang prinsipal na lider ng Partido na naaresto, sina Abad Santos at Capadocia, ang sumang-ayong makipagtulungan sa mga Hapones sa paghimok sa mga kasapi ng Partido na tumigil na sa paglaban. Gayunman, ang una ay nagkasakit nang malubha at ang huli ay inaresto ng Partido nang tangkain niyang isagawa ang pakikipagkompromiso. Gayunman, pagkaraan ay pinapagbago ng Partido si Capadocia.

Ibinase ang Partido at ang hukbo sa purok ng Bundok Arayat. Madaling natukoy ng mga Hapones ang naturang purok bilang luklukan ng Partido at noong 1943 ay inilunsad ng mga Hapones ang tinawag na March Raid na humantong sa pagkakabihag ng maraming namumunong kadre at kasapi ng Partido.

Sa naganap na pasalikop na pagsalakay,ang mga mamamayan sa paligid ng Bundok Arayat ay naghiwa-hiwalay at nagpilit na lumusot sa maliliit na grupo; sa gayong paraan, maraming namumunong kadre at kasapi ang nabihag. Sa tangkang bawasan ang pinsalang bunga ng opensiba ng kaaway, pinagtibay ng lideratong Vicente Lava ang patakarang "umurong upang magtanggol".

Ang patakarang "umurong upang magtanggol" ay nangahulugan ng paglansag sa lahat ng "iskwadron" (lakas-kompanya) at iba pang yunit na lakas-platun ng Hukbalahap upang gawing maliliit na yunit ng tatlo hanggang limang mandirigma. Itinaguyod nito ang taktikal na pasibidad at kawalang inisyatiba sa harap ng kaaway. Tumugma ito sa patakarang "magtago" ng USAFFE.

Noon lamang idaos ang Komperensya sa Bagumbali sa huling dako ng Setyembre 1944 nang ideklara ng Partido na mali ang patakarang "umurong upang mangtanggol", ay saka muling binuo ang mga "iskwadron" ng Hukbalahap upang isagawa ang opensiba sa kaaway. Matapos pagtibayin at ipatupad ang isang patakaran ng aktibong paglaban, ang sandatahang lakas ng bayan ay nag-ibayong-lakas. Ngunit nang pinagtibay ang patakarang ito, ang Hukbong Panghimpapawid ng Estados Unidos ay nagsisimula nang mambomba sa Pilipinas bilang paghahanda sa malakihang paglunsad ng pwersang militar ng imperyalismong Amerikano.

Bagamat iwinasto ang patakarang "umurong upang magtanggol" at ibinaba sa katungkulan si Vicente Lava mula sa pagiging pangkalahtang kalihim, nanatili siyang kagawad ng Komite Sentral upang magkalat, kasama ng iba pa, ng linyang Kanang oportunista. Ipinasiya ng Komperensya sa Bagumbali na ihanda ang pagtatatag ng Democratic Alliance para sa parlamentaryong pakikibaka sa pagbalik ng imperyalismong Amerikano at pamahalaang Komonwelt.

Party Constitution Bottom I II III IV V
Back to top


Iwasto ang mga Kamalian at Muling Itatag ang Partido

NILALAMAN:



I. MARXISMO-LENINISMO-KAISIPANG MAO TSETUNG ANG PATNUBAY NATIN SA PAGPUNA SA SARILI AT MULING PAGTATAYO NG PARTIDO

II. PAGLALAGOM NG ATING KARANASAN AT PAGHANGO NG MGA REBOLUSYONARYONG ARAL

III. MAIKLING BALIK-ARAL SA KASAYSAYAN

A. Pagtatatag ng Partido at ilegalisasyon nito
B. Pagsasanib ng Partido Komunista at ng Partido Sosyalista
K. Ang Partido sa panahon ng pananakop ng Hapon
D. Ang Partido sa pagbalik ng imperyalismong Amerikano
E. Ang Partido sa panahon ng adbenturismong militar
G. Ang Partido sa panahon ng patuloy na pagkatalong militar

IV. MGA PANGUNAHING KAMALIAN AT KAHINAAN

A. Mga kahinaan sa ideolohia
B. Mga kamalian sa pulitika
K. Mga kamalian sa militar
D. Mga kamalian sa organisasyon

V. TATLONG PANGUNAHING TUNGKULIN

A. Pagtatayo ng Partido
B. Sandatahang pakikibaka
K. Ang pambansang nagkakaisang prente


Download Pilipino | English


Basahin sa Ingles

Basahin sa Hiligaynon


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | Public Info]
[Publications | Specials]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Party Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.