Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  

 
 
CPP Documents
Saligang Batas
CPP History
Rectify Errors and Rebuild the Party
Specific Characteristics of our People's War
Our Urgent Tasks
Program

II. PAGLALAGOM NG ATING KARANASAN AT PAGHANGO NG MGA REBOLUSYONARYONG ARAL

Mahigpit na tungkulin natin ngayon ang magsuri at maglagom ng karanasan bilang isang Partido. Ang tanging layon ng pagsusuri at paglalagom na ito ay humango ng mga rebolusyonaryong aral, kumilala sa mga kamalian at kahinaan upang ating iwasto ang mga iyon, mapalakas ang sarili at itayong muli ang isang rebolusyonaryong partidong proletaryo na pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung.

Sa pagpuna sa mga kamalian at kahinaan, nilalayon nating "matuto sa mga nakaraang kamalian upang iwasan ang mga ito sa hinaharap" at "gamutin ang karamdaman upang iligtas ang maysakit." Sa siyentipikong diwa ng Marxismo-Leninismo, gumagawa tayo ng pagpuna upang muling itayo ang Partido sa mas matibay na pundasyon at itayo ang rebolusyonaryong kapangyarihan. Bilang nukleo ng diktadurang proletaryo, dapat magpatatag ang Partido Komunista ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagwawasto.

Tatlumpu't walong taon na ngayon ang ating Partido ngunit hindi pa nito nakakamit ang rebolusyonaryong kapangyarihan. Ang mga kabiguan nito ay dapat malinaw na suriin batay sa Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung upang tumpak na makakilos ang mga rebolusyonaryong proletaryo ngayon.

Ang malawak na balangkas lamang ng kasaysayan ng Partido ang mailalahad dito upang ipakita ang dialektikong pag-unlad nito. Ang paglalagom na ito ay hindi maaaring sumaklaw sa lahat ng detalyeng makukuha. Ibayong talakayan na ng mga kadre ng Partido ang gagawa noon. Gayunman, ang pinagkakatiwalaan nating mga kasamang datihan at bago ay masusi nang nagtatalakayan nitong nakaraang tatlong taon hinggil sa mga suliranin ng Partido.

Sa simula'y dapat nang mabanggit na sa ating paglalagom ay nagkakaroon ng pangunahing konsiderasyon ang paghawak sa tatlong pangunahing sandata ng rebolusyong Pilipino. Ang mga ito ay ang pagbubuo ng partidong Marxista-Leninista, ang sandatahang pakikibaka at ang pambansang nagkakaisang prente.

Sa paglalagom din nating ito, ating sasaklawin ang mga larangan ng ideolohia, pulitika, militar at organisasyon. Sa katunayan, ang malaking bahagi ng paglalahad na ito ay nahahati sa apat na aspetong ito. Ngunit bago tayo tumuloy sa apat na bahaging ito, gumawa tayo nga maikling balik-aral sa kasaysayan ng Partido Komunista ng Pilipinas.

Party Constitution Bottom I II III IV V
Back to top


Iwasto ang mga Kamalian at Muling Itatag ang Partido

NILALAMAN:



I. MARXISMO-LENINISMO-KAISIPANG MAO TSETUNG ANG PATNUBAY NATIN SA PAGPUNA SA SARILI AT MULING PAGTATAYO NG PARTIDO

II. PAGLALAGOM NG ATING KARANASAN AT PAGHANGO NG MGA REBOLUSYONARYONG ARAL

III. MAIKLING BALIK-ARAL SA KASAYSAYAN

A. Pagtatatag ng Partido at ilegalisasyon nito
B. Pagsasanib ng Partido Komunista at ng Partido Sosyalista
K. Ang Partido sa panahon ng pananakop ng Hapon
D. Ang Partido sa pagbalik ng imperyalismong Amerikano
E. Ang Partido sa panahon ng adbenturismong militar
G. Ang Partido sa panahon ng patuloy na pagkatalong militar

IV. MGA PANGUNAHING KAMALIAN AT KAHINAAN

A. Mga kahinaan sa ideolohia
B. Mga kamalian sa pulitika
K. Mga kamalian sa militar
D. Mga kamalian sa organisasyon

V. TATLONG PANGUNAHING TUNGKULIN

A. Pagtatayo ng Partido
B. Sandatahang pakikibaka
K. Ang pambansang nagkakaisang prente


Download Pilipino | English


Basahin sa Ingles

Basahin sa Hiligaynon


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | Public Info]
[Publications | Specials]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Party Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.