Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  

 
 
CPP Documents
Saligang Batas
CPP History
Rectify Errors and Rebuild the Party
Specific Characteristics of our People's War
Our Urgent Tasks
Program

III. MAIKLING BALIK-ARAL SA KASAYSAYAN

A. Pagtatatag ng Partido at ilegalisasyon nito

Ang pambansang demokratikong kilusan sa Pilipinas ay pumasok sa bagong yugto nang itatag ang Partido Komunista ng Pilipinas sa Maynila noong Nobyembre 7, 1930. Ang pagtatatag ng Partido ay naging hudyat na ang uring manggagawang Pilipino ay sumulong na sa ideolohia, pulitika at organisasyon at nagsimula nang magbigay ng makauring liderato sa rebolusyong Pilipino. Sa gayon, sumapit ang panahon ng bagong demokratikong kilusan kasabay ng paglitaw ng partidong uring manggagawa na kometido sa pagsasanib ng teoryang Marxista-Leninista sa praktika ng Pilipinas.

Bilang bagong tatag na partidong uring manggagawa, ang Partido Komunista ng Pilipinas ay ibinase agad sa lunsod sa hanay ng pinakasulong na mga manggagawang kinatawan ni Crisanto Evangelista. Ang Partido ay hayagang inilunsad sa ikalabintatlong anibersaryo ng Rebolusyong Oktubre nang walang sapat na pagsasaalang-alang at pag-iingat sa mapang-api at mapaniil na katangian ng rehimen ng imperyalismong Amerikano at ng mga katutubong naghaharing uri. Hindi naglaon, noong Mayo 1, 1931 at pagkaraan nito, kumilos ang mga reaksyonaryong awtoridad upang sugpuin ang Partido. Dinakip at ibinilanggo ang mga kadre at kasapi ng Partido. Ipinagbawal ang mga organisasyong pangmasa na pinamunuan ng Partido. Noong 1932, pormal na idineklarang ilegal ng reaksyonaryong Korte Suprema ang Partido at ang mga organisasyong pangmasa nito at sinintensiyahang mabilanggo ang mga namumunong kasapi ng mga ito.

Nang malumpo ang unang linya ng liderato ng Partido, wala pang maaasahang nasanay na pangalawang linya ng liderato na magpapatuloy sa gawain ng Partido. Gayunman, noong 1935 ay may ilang elemento nang bumuo ng pangkat sa pag-aaral ng Marxismo sa hanay ng petiburgesia sa Maynila. Ang ilan sa mga elementong ito ay tumanggap ng kanilang edukasyong pampulitika sa Kanang oportunistang lideratong Browder ng Partido Komunista ng Estados Unidos.

Sa panahong ginawang ilegal ang Partido Komunista ng Pilipinas, ang Partido Sosyalista na pinamumunuan ni Pedro Abad Santos ay nagpapalakas batay sa isang buhaghag na organisasyong pangmasa ng mga magsasaka at manggagawang bukid sa Gitnang Luson.

Party Constitution Bottom I II III IV V
Back to top


Iwasto ang mga Kamalian at Muling Itatag ang Partido

NILALAMAN:



I. MARXISMO-LENINISMO-KAISIPANG MAO TSETUNG ANG PATNUBAY NATIN SA PAGPUNA SA SARILI AT MULING PAGTATAYO NG PARTIDO

II. PAGLALAGOM NG ATING KARANASAN AT PAGHANGO NG MGA REBOLUSYONARYONG ARAL

III. MAIKLING BALIK-ARAL SA KASAYSAYAN

A. Pagtatatag ng Partido at ilegalisasyon nito
B. Pagsasanib ng Partido Komunista at ng Partido Sosyalista
K. Ang Partido sa panahon ng pananakop ng Hapon
D. Ang Partido sa pagbalik ng imperyalismong Amerikano
E. Ang Partido sa panahon ng adbenturismong militar
G. Ang Partido sa panahon ng patuloy na pagkatalong militar

IV. MGA PANGUNAHING KAMALIAN AT KAHINAAN

A. Mga kahinaan sa ideolohia
B. Mga kamalian sa pulitika
K. Mga kamalian sa militar
D. Mga kamalian sa organisasyon

V. TATLONG PANGUNAHING TUNGKULIN

A. Pagtatayo ng Partido
B. Sandatahang pakikibaka
K. Ang pambansang nagkakaisang prente


Download Pilipino | English


Basahin sa Ingles

Basahin sa Hiligaynon


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | Public Info]
[Publications | Specials]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Party Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.