Mga sundalong perwisyo sa Mangyan, binigwasan ng BHB


Sunud-sunod na opensiba ang inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Mindoro laban sa Philippine National Police at mga pasistang sundalo ng 4th at 76th IB. Anim na operasyong haras ang isinagawa ng BHB-Mindoro sa mga bayan ng Mansalay, Bulalacao, Socorro ng Oriental Mindoro at Rizal, Occidental Mindoro noong Mayo 6 hanggang Mayo 18. Isa ang napatay at pito ang nasugatan sa mga pulis at sundalo.
Sagot ang mga opensibang ito sa pagpapalayas ng militar sa mga magsasaka at Mangyan sa mga bayan ng Rizal at Calintaan dahil sa mga operasyong kombat noong unang linggo ng Mayo. Higit 600 pwersang militar ang ipinakat dito at nagpusisyon ng mga kanyon sa Rizal.
Sa Negros Oriental, pinarusahan ng BHB ang isang elemento ng CAFGU noong Hunyo 11 sa Barangay Luz, Guihulngan City. Giya siya sa mga Operasyong Sauron ng 62nd IB at kasama sa mga pag-atake, iligal na pag-aresto at pagpatay sa masang magsasaka.
Noong Hunyo 16, dalawang ahenteng paniktik ng 94th IB ang inatake ng BHB sa Himamaylan City. Notoryus ang dalawa sa pambibintang sa mga sibilyan na “suporter ng BHB.” Sa parehong araw, dalawang beses na pinaputukan ng BHB ang nag-ooperasyong mga sundalo sa Barangay Mahalang at Buenavista.
Sa Palawan, pinasabugan ng bomba ng isang yunit ng BHB ang detatsment ng 3rd Marine Brigade sa Barangay Magara, Roxas noong Mayo 22.