Mga opensiba ng BHB sa Sorsogon, Negros at Agusan

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisayaHiligaynon

Apat na armadong aksyon aksyon ang inilunsad ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Negros, Sorsogon at Agusan del Sur mula Setyembre 5 hanggang 14.

Napatay sa operasyong partisano ng BHB-Sorsogon noong Setyembre 5 si Police Executive M/Sgt. Israel Rebosura ng Pilar Municipal Police Station sa Purok 2, Sityo Cagduyong, Barangay Ginablan, Pilar, Sorsogon. Aktibo siya sa paniniktik at paglalatag ng lambat ng mga impormer ng pulis sa mga baryo sa Pilar.

Sa Negros Occidental, pinaputukan ng BHB ang mahigit 30 sundalo ng 94th IB na nagpapatrulya sa Sityo Dawahan, Barangay Buenavista, Himamaylan City noong Setyembre 6. Kumaripas ng takbo ang mga sundalo dala ang kanilang mga kaswalti.

Isang pulis ang napaslang sa pag-isnayp ng BHB sa isang substation ng pulis sa Sityo Parkingan, Barangay Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental noong Setyembre 10. Sa sumunod na araw, napatay ang isang sundalo ng 62nd IB sa pag-isnayp ng mga Pulang mandirigma sa tropa nito sa Sityo Tuko Gamay. Nagkakampo malapit sa sibilyang komunidad ang naturang mga sundalo, bagay na labag sa internasyunal na makataong batas.

Samantala sa Agusan del Sur, isa ang napatay at tatlo ang sugatan sa ambus ng BHB laban sa pinagsamang tropa ng 26th IB, 41st DRC at Special Forces sa mabundok na bahagi ng Barangay Moretola, San Luis noong Setyembre 14.

Mga opensiba ng BHB sa Sorsogon, Negros at Agusan