Ambus sa Sorsogon, isnayp sa Negros, inilunsad ng BHB

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisaya

Tatlong pasisang sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang napaslang sa mga armadong aksyon ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa isla ng Negros at Sorsogon noong Enero 15.

Inambus ng BHB-Sorsogon ang nag-ooperasyong 18-kataong tropa ng 22nd IB at CAFGU sa Barangay Calmayon, Juban, Sorsogon. Isang miyembro ng CAFGU ang nasawi habang dalawa ang nasugatan. Ang inambus na yunit ay kabilang sa tropang nag-ooperasyon sa mga magkakatabing barangay ng Calmayon, Maalo at Calateo sa bayan ng Juban at Barangay Calpi at Dolos sa bayan ng Bulan simula pa 2020.

Magkasunod na operasyong isnayp ang inilunsad ng BHB-Central Negros sa parehong araw. Napatay dito ang dalawang sundalo. Unang inisnayp ng mga Pulang mandirigma ang tropa ng 62nd IB sa Sityo Palasan, Barangay Guba, Vallehermoso, Negros Oriental. Pagsapit ng alas-6 ng gabi, inisnayp naman nito ang mga sundalo sa Sityo Batang-batangan, Barangay Bucalan, Canlaon City.

Ambus sa Sorsogon, isnayp sa Negros, inilunsad ng BHB