Sanggol, 2 taon nang hostage ng militar

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisaya

Dalawang taon nang nakahiwalay ang ngayon ay 2-taong gulang na si Baby Marx Cairo Salino sa kanyang pamilya. Noong Enero 13, 2021, inagaw siya ng 79th IB sa isang reyd sa bahay ng pamilyang Madin sa Hacienda Ambulong, Barangay San Fernando, Talisay City, Negros Occidental.

Mula noon, hawak na ng militar ang sanggol at ayaw ibalik sa kustodiya ng mga kamag-anak. Si Baby Marx ay anak nina Ka Peeta at Ka Jandy, parehong mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan sa Negros.

Ginagamit ng militar na hostage si Baby Marx para pasukuin ang kanyang magulang. Ipinagkakait siya ng DSWD sa kanyang lolo at lola dahil kailangan pa diumanong “konsultahin” ang militar.

Paulit-ulit na ring isinailalim sa panggigipit, pananakot at pagmamanman ang lolo at lola ni Baby Marx. Noong unang kwarto ng 2022, nireyd ng mga sundalo ang kanilang pansamantalang tinutuluyan. Dahil dito, napilitan silang magtago.

Sanggol, 2 taon nang hostage ng militar