Pamilya, minasaker sa Northern Samar

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisaya

Isang pamilya ang minasaker ng mga sundalo ng 43rd IB sa Kilometro 9, Barangay Happy Valley, San Isidro sa Northern Samar noong Nobyembre 18, 2022. Pinalalabas ng mga pasista-teroristang sundalo na sila ay mga mandirigma ng BHB na napaslang sa engkwentro. Nakapailalim sa matinding operasyong kombat ang lugar.

Sa huling kwarto ng 2022, hindi bababa sa tatlong serye ng pambobomba ang inilunsad ng militar sa prubinsya. Noong Oktubre 1, 2022, hindi bababa sa 25 bala ng kanyon ang pinakawalan ng mga sundalo gamit ang 105mm at 155mm howitzer sa mga sakahan sa Barangay Paco, Las Navas, Northern Samar. Sinundan ito ng isa pang pambobomba sa Barangay San Isidro noong Nobyembre 11, 2022.

Pamilya, minasaker sa Northern Samar