3 Lumad, pinaulanan ng bala ng 88th IB

,
Ang artikulong ito ay may salin sa English

Pinaulanan ng bala ng mga sundalo ng 88th IB ang mga Lumad na sina Levi, Jemboy at isang di pinangalanan sa Sityo Takukon, Barangay Indalasa, Malaybalay City, Bukidnon noong Nobyembre 17 ng umaga. Nasa gubat ang tatlo para kumuha ng duryan nang bigla na lamang silang pinagbabaril ng mga sundalo.

Bugbog, sugat at troma ang natamo ng mga biktima dahil sa pagkaripas ng takbo at pagdaan sa bangin para lang makaligtas. Matapos ang insidente, ipinagmayabang ng 88th IB na nakakumpiska ng isang armas sa pinalalabas na engkwentro nito sa Bagong Hukbong Bayan.

Kinabukasan, nagreklamo ang lider-katutubo sa lugar na si Datu Andihal sa barangay at humarap sa mga sundalo ng 88th IB na nagkakampo sa Barangay Indalasa ngunit hindi siya pinakinggan.

3 Lumad, pinaulanan ng bala ng 88th IB