7 kontra-demolisyong aktibista sa Cebu, inaresto ng pulis

,
Ang artikulong ito ay may salin sa English

Marahas na inaresto ng mga pwersa ng estado ang pitong kontra-demolisyong aktibista at residente ng Sityo Casia, Barangay Bangkal, Lapu-Lapu City, Cebu habang nagpoprotesta laban sa iligal na demolisyon sa 39 bahay noong Nobyembre 28-29. Dinakip ng mga pulis ang apat na residente na sina Marjhun Amoroto, Belt Sasar, Lito Padillon at Cris Gabutan at ang lider ng Anakbayan-Cebu na si Kei Galon, si Deviemar Opo ng Anakbayan-Lapu-Lapu, si Howell Villacrucis ng AMA-Sugbo-KMU. Pinalaya sila mataposa ang dalawang araw.

Anang mga grupo, iligal ang isinagawang demolisyon dahil wala kahit anong papeles na maiprisinta ang pulis mula sa korte. Isiniwalat ng dalawang grupo na inamin mismo sa kanila ng mga awtoridad na “sikretong demolisyon” ang naganap dahil wala itong ligal na batayan.

Noong 2006 pa nagsimula ang pakikibaka ng mamamayan sa Sityo Casia para sa kanilang karapatan sa paninirahan. Inaangkin ang naturang lupa ng pamilyang Mangura.

Pagpatay. Pinatay sa walang pakundangang pamamaril ng isang platun ng 62nd IB ang magsasakang si Banny Tobalado sa Sityo Karanawan, Barangay Amuntay, Binalbagan, Negros Occidental noong Disyembre 6. Nilusob ng mga sundalo ang kanyang bahay bandang alas-5 ng umaga at pinagbabaril na pinalalabas nitong isang “engkwentro.”.

Pagdukot. Dinukot ng mga pwersa ng estado si Mar Silos, organisador ng mga mangingisda’t magsasaka, sa Barangay Montecillo, Sariaya, Quezon noong Nobyembre 29. Kasapi siya ng Pagkakaisa ng mga Magsasaka at Tagapagtaguyod sa Ikalawang Distrito (PAMATID)-Quezon. Kilala siya bilang masugid na tagapagtanggol ng karapatan ng mga mangingisda’t magsasaka sa Gitnang Quezon.

Pamamaril. Walang-patumanggang nagpaputok ng baril ang 50th IB sa Barangay Mataragan, Malibcong, Abra noong Nobyembre 20. Pinalalabas ng 50th IB na nagkaroon ng isang “engkwentro” sa naturang lugar na kaagad pinasinungalingan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Abra. Kasinungalingan din umano ang sinasabing pagkakasamsam ng 50th IB sa isang M14, tatlong M16, isang K3 light machinegun, at dalawang bandolyer.

7 kontra-demolisyong aktibista sa Cebu, inaresto ng pulis