82nd IB, 2 beses na pinaputukan ng BHB-Iloilo

,
Ang artikulong ito ay may salin sa English

Dalawang armadong opensiba ang inilunsad ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Panay (Jose Percival Estocada Jr Command) laban sa tropa ng 82nd IB noong Nobyembre 21 at Nobyembre 12.

Noong Nobyembre 12, sinalakay ng BHB-Central Panay ang isang yunit ng 82nd IB sa hangganan ng Barangay Atimonan at Barasalon sa Janiuay. Pinatamaan naman ng BHB ang yunit ng 82nd IB na nag-ooperasyon sa Sityo Matagsim, Barangay Aglobong, Janiuay, Iloilo noong Nobyembre 21, bandang alas-2 ng hapon.

Mga sibilyan ang ginantihan ng 82nd IB nang walang patumanggang pagbababarilin nito ang tatlong bahay sa lugar noong Nobyembre 21. Isang residente ang nasugatan sa naturang pamamaril.

82nd IB, 2 beses na pinaputukan ng BHB-Iloilo