Mapanlinlang na kapayapaan
Instrumento ang SPDA sa mapanupil na gera ng “kontra-insurhensya” gamit ang tabing ng “kaunlaran sa ekonomya.” Itinayo ito noong 1975 bilang bahagi ng pakete ng “pagsurender” ng mga rebolusyonaryong pwersa ng Moro National Liberation Front sa nakaraan. Noong 1980, itinayo nito ang Kapatiran Agro-Industrial Cooperative Settlement Project sa mga bayan ng Wao at Bumbaran/Amai Manabilang.
Naging bahagi rin ang SPDA sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) na pinirmahan noong 2014. Ang kasunduang ito ay resulta ng ilang dekadang pakikipag-usapang pangkayapaan na nagtapos sa pagsurender ng Moro Islamic Liberation Front at pagsalong ng kanilang armas. Isa sa mga kontrobersyal na probisyon ng CAB ang “wealth sharing” sa pagitan ng itatayong parlamento ng Bangsamoro at pambansang gubyerno. Dumadaan dito ang mga kontrata at kasunduan sa pagitan ng mga upisyal na Moro, pambansang gubyerno at mga dayuhang koporasyon.
Sa kasalukuyan, pinamumunuan ang SPDA ni Abdulghani A. Salapuddin, dating kinatawan ng Basilan, at dating mandirigma ng MNLF.