Mga protesta

,

 

60-araw Lakbayan mula Zamboanga. Naglunsad ng 60-araw na martsa ang mga magsasaka, mangingisda at katutubong mamamayan mula sa iba’t ibang prubinsya upang tutulan ang pangangamkam ng lupa at katubigan, na kanilang tirahan at pinagmumulan ng kabuhayan. Nagsimula ito noong Marso 13 sa Zamboanga Sibugay at nagtapos sa Metro Manila noong Mayo 10.

Pagpupugay sa mga manggagawang pangkalusugan. Naglunsad ng kalampagan at piket ang mga unyon sa ilalim ng Alliance of Health Workers noong Mayo 7 bilang paggunita sa Araw ng mga Manggagawang Pangkalusugan. Ang mga pagkilos ay pangunahing inilunsad sa Metro Manila, habang mayroon ding pagtitipon sa Baguio City sa pangunguna ng Coalition of Health Workers’ Organizations in the Cordillera.

Labanan ang dredging. Tinutulan ng mga residente ng Barangay Silonay, Calapan City, Oriental Mindoro ang planong dredging sa baybaynin nito at katabing Barangay Maidlang. Ipinahayag nila ang pagtutol sa isinagawang pampublikong konsultasyon noong Mayo 9, sa suporta ng Mindoro Forum Network (MFN), Alyansa Laban sa Mina, at mga upisyal ng barangay. Dumating noong Abril 29 ang malalaking trak sa bukana ng Silonay-Bucayao River para sa sand testing na ikinabahala ng mga residente.

Mga protesta