Ika-42 na People's Cordillera Day

,

Mahigit 1,600 katao ang nagsama-sama sa iba’t ibang prubinsya at syudad sa Cordillera, gayundin sa labas ng rehiyon para ipagdiwang ang ika-42 People’s Cordillera Day. Isinagawa ang mga aktibidad at pagtitipon ng Cordillera People’s Alliance, mga alyadong grupo nito, mga tagasuporta at grupong nagtatanggol sa karapatan ng mga katutubo noong Abril 22-25.

Naiulat ang mga aktibidad sa Mountain Province, Benguet, Baguio City, Kalinga, Abra, at Apayao. Mayroon ding mga selebrasyon at pakikiisa sa Metro Manila, Canada, Hong Kong at US. Ang mga aktibidad ay mayroong kani-kanyang katangian at isyung itinampok ngunit nagkaisa sa sentral na temang: Ipaglaban ang Ating Karapatan sa Lupa, Buhay at Kabuhayan.

Ika-42 na People's Cordillera Day