Rebolusyonaryong pag-aaral

,

 

Kumperensya sa gawaing masa sa kanayunan. Puu-puong mga organisador mula sa hanay ng mga magsasaka, mangingisda, mala-manggagawa, kababaihan, kabataan at artista ang dumalo sa inilunsad na kumperensya sa gawaing masa sa kanayunan sa isang sikretong lokasyon noong Abril. Sa pangunguna ng PKM, tinalakay ang mga dokumentong Hakbang-hakbang na Pag-oorganisa at Pagbubuo ng Organo ng Kapangyarihang Pampulitika para sa pagpupuspos ng gawaing rekoberi at ekspansyon ng rebolusyonaryong kilusang magbubukid.

Pampulitikang pag-aaral sa FSMR. Mahigit 20 kasapi ng Partido at Pulang mandirigma ng BHB ang nakapagtapos ng mga pag-aaral sa ilalim ng kurikulum ng Pambansang Demokratikong Paaralan sa isang larangang gerilya sa Far South Mindanao Region (FSMR) noong Abril. Naisagawa ito sa gitna ng focused military operation (FMO) ng pasistang 37th IB at 57th IB sa erya. Naging talakayan ang sariling mga karanasan, pagkukulang, at kahinaan sa pagkilos ng mga estudyante. Matapos nito, higit na naging determinado ang yunit na sumulong sa mas mataas na antas ng pakikibaka.

BKP ng BHB sa Eastern Visayas. Nakapaglunsad ang BHB-Eastern Visayas ng isang bats ng pag-aaral sa Batayang Kurso ng Partido (BKP) noong huling bahagi ng Marso. Isinagawa ito sa kasagsagan ng FMO ng 8th ID. Ang matagumpay na pag-aaral ay nagpamalas ng nag-aalab na determinasyon ng Pulang hukbo na itaas ang kakayahan sa ideolohiya. Pagpapakita rin ito ng kakayahan ng BHB at ng baseng masa sa mataas na pagsisikreto at pagtataguyod sa seguridad ng pag-aaral.

Rebolusyonaryong pag-aaral