Arestuhin si “Bato,” malawakang panawagan ng mamamayan

,

Malawakang kinundena ng iba’t ibang organisasyon ang pagkunsinti at pagtatanggol ng Senado kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, matapos ang tangkang paghahain sa kanya ng mandamyento de aresto na isinapubliko ng International Criminal Court (ICC) bandang hapon noong Mayo 11.

Nasasakdal si dela Rosa bilang “indirect co-perpetrator” sa mga krimen laban sa sangkatauhan ng pagpatay, na may kaugnayan sa “war on drugs.” Saklaw nito ang mga insidente ng pagpatay sa pagitan ng Hulyo 3, 2016 hanggang Abril 2018, noong siya ang hepe ng Philippine National Police.

Lumitaw si “Bato” sa araw na iyon para sa maniobrang iluklok si Cayetano bilang bagong presidente ng Senado. Anim na buwan na siyang nagtago sa takot na ipaaresto at dalhin sa The Netherlands.

Inilagay siya ng Senado sa ilalim ng protective custody upang masigurong hindi siya maaaresto. Noong Mayo 13, lumikha ng drama ang kaalyado niyang mga senador para makatakas siya at bumalik sa pagtatago.

Noong Mayo 20, naglabas ang Korte Suprema ng desisyon na tumangging ipatigil ang paghahain ng mandamyento de aresto ng ICC sa kanya. Sa kasalukuyan, itinuturing siyang pugante.

Arestuhin si “Bato,” malawakang panawagan ng mamamayan