Pagkamatay ng lider ng PKP sa FSMR, ipinagluluksa

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisayaHiligaynon

Lubos na ikinalungkot ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang pagpanaw ni Emmanuel Fernandez (Ka Ampog/Akuy/Brad), myembro ng Komite Sentral at isa sa mga rebolusyonaryong lider sa Far South Mindanao. Namatay noong Oktubre 30 si Ka Ampog sa sakit na matagal na niyang iniinda. Dinala ng mga medik ang kanyang mga labi sa isang kubo sa Barangay Buenaflores, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat, para ipasa ito sa kanyang pamilya.

Nalaman ng lokal na pulis ang lokasyon ng labi ni Ka Ampog at gumawa ng ulat. Agad itong pinuntahan ng mga sundalo ng 603rd IBde. Labag sa mga tuntunin ng digma, pinagbabaril ng mga sundalo ang patay na katawan ni Ka Ampog. Pinalabas nilang napatay siya sa isang labanan para makakuha ng pabuya. Mariing kinundena ng PKP ang paglapastangang ito ng 603rd IBde.

Nagmula si Ka Ampog sa isang pamilya ng maliit na panginoong maylupa sa Tampakan, South Cotabato. Sa kabila nito, iginugol niya ang halos buong buhay niya sa paglilingkod sa masang anakpawis sa rehiyon.

Pagkamatay ng lider ng PKP sa FSMR, ipinagluluksa