Iran, nagpakawala ng mga misayl laban sa Zionistang Israel

,
Ang artikulong ito ay may salin sa English

Nagpakawala ng hindi bababa sa 200 misayl at drone ang Iran laban sa Zionistang Israel noong Abril 13 na tumama sa mga base at paliparang militar ng bansa. Ayon sa Iran, ang atakeng ito ay ganting-salakay sa pagbomba ng Israel sa embahada nito sa Damascus, Syria noong Abril 1. Labingwalo ang napatay sa pambobombang sa embahada, kabilang ang matataas na kumander ng hukbo ng Iran.

Isinagawa ang atake alinsunod sa internasyunal na batas kaugnay sa pagdepensa sa sarili, pahayag ng Iran. Itinuring nitong “sarado na” ang usapin at binalaan ang Israel at US laban sa paglulunsad ng pansagot na mga atake.

Pananagutan ng US ang buhong na mga aksyon ng Zionistang rehimen, at direktang binalaan ang “mamamtay-bata” na Israel na mananagot sa henosidyo nito laban sa Palestine.

Iran, nagpakawala ng mga misayl laban sa Zionistang Israel