Pandaigdigang pagkilos laban sa Operation Kagaar sa India, isinagawa

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisayaHiligaynon

Inilunsad ng iba’t ibang mga orgnisasyon sa buong mundo noong Hulyo 1 ang kani-kanilang mga aktibidad at protesta bilang bahagi ng pandaigidang araw ng pagkilos laban sa Operation Kagaar sa India. Sa ilalim ng operasyong ito, na sinimulang ipatupad noong Enero, hindi bababa sa 130 sibilyan at mga rebolusyonaryo na ang pinaslang ng estado ng India.

Ang Operation Kagaar ay isang operasyong militar na bahagi ng mas masaklaw pang operasyong kontra-insurhensya na Operation SAMADHAN-Prahar sa India na sinimulan noong 2017. Lantaran nitong tinatarget ang mga Adivasi (mga katutubo) ng India na nakikibaka para sa kanilang karapatan sa lupa, kagubatan, tubig at buhay sa tabing ng paglaban sa mga Maoista.

Nagpahayag ng pakikiisa sa araw ng pagkilos ang International League of Peoples Struggles Commission 10 at International Indigenous Peoples Movement for Self Determination & Liberation. Nagkaroon din ng pagkilos ang mga grupo mula India, China, Russia, Turkey at mga bansa sa Europe. Nagpahayag rin ng pagtutol sa Operation Kagaar ang mga demokratikong organisasyon ng Pilipinas sa protesta noong Hulyo 1.

Nagdeklara naman ang Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas ng Buwan ng Pakikiisa (Hunyo 20-Hulyo 20) sa pakikibaka ng mamamayang Indian, laluna ng masang Adivasi laban sa Operation Kagaar.

Pandaigdigang pagkilos laban sa Operation Kagaar sa India, isinagawa