Panggigipit sa sektor ng BPO, kinundena

,

Kinundena ng CODE-AI ang di makatarungang pagsisante kay Renso Bajala, tagapagalita ng BIEN, matapos magbigay siya ng panayam sa isang mamamahayag kaugnay sa kalagayan ng mga manggagawa sa mga kumpayang BPO na gumagamit ng AI. Sinisante si Bajala sa batayan ng “patakaran sa social media” ng kumpanyang Concentrix at American Express. Labag ang terminasyon sa kalayaan sa pagpapahayag ni Bajala at kapwa niya manggagawa.

“May karapatan kami sa malayang pagpapahayag at asosasyon, at krusyal ang aming paglahok sa mga diskusyon at paggawa ng mga patakaran sa paggamit ng teknolohiyang AI para maipagtanggol (namin) ang karapatan ng mga manggagawa,” ayon kay Bajala.

Panggigipit sa sektor ng BPO, kinundena