Korapsyon at pagkukwari sa Cebu, nagresulta sa trahedya

,

Umaabot na sa 139 ang naitalang namatay sa Cebu noong Nobyembre 7 sanhi ng pagragasa ng baha dulot ng walang pakundangang pagkukwari sa kabundukan ng isla, na pinalala ng mataas na bolyum ng ulan na dala ng Bagyong Tino. Pinakamarami ang naitalang napatay sa Liloan at mga syudad ng Talisay, Mandaue at Cebu, mga lugar kung saan dapat may nakatayong imprastrukturang flood control, kabilang ang mga proyektong kinontrata sa mga kumpanya ng mga Discaya. Pangalawa ang Cebu sa may pinakamaraming proyektong flood control sa bansa na nagkakahalagang ₱26 bilyon.

Panawagan ng mga Cebuano ang hustisya sa mga nasalanta dulot ng kapalpakan ng mga proyektong flood control, at pananagutan sa mga tiwaling lokal at pambansang upisyal ng gubyerno.

Korapsyon at pagkukwari sa Cebu, nagresulta sa trahedya