Mga paglabag sa karapatang-tao, walang tigil
Patuloy ang pagdami ng mga paglabag sa karapatang-tao sa buong bansa ng mga pwersa ng estado sa nagdaang mga linggo.
Pagpatay. Brutal na pinatay ng 88th IB si Nenita Buscada, isang katutubo, sa Barangay Saint Peter, Malaybalay City noong Hunyo 15. Kasama ni Buscada ang kanyang asawa at dalawa pang sibilyan na patungong kagubatan para mangahoy nang biglang paulanan ng bala ng 8th IB.
Tangkang pagpatay. Pinagbabaril ng 43rd IB si Olid Yanay, 18, sa Barangay Caputoan, Las Navas, Northern Samar noong Hunyo 13 ng umaga. Pinasabugan siya ng tatlong bala ng M203 grenade launcher. Nakatakbo at nakaligtas si Olid mula sa pamamaril.
Pag-aresto. Inaresto ng mga pulis at ng 85th IB ang magsasakang si Anthony Biñas noong Hunyo 19 sa Quezon. Itinago siya ng mga pulis at natunton na lamang noong Hunyo 28 sa Quezon District Jail at kumakaharap sa kasong tangkang pagpatay.
Samantala, patung-patong ang paglabag sa karapatang-tao sa matinding militarisasyon sa Las Navas sa Northern Samar; sa Guihulngan City, Negros Oriental; sa mga bayan ng Isabela at Binalbagan sa Negros Occidental; at maging sa Marikina City sa nakalipas na mga linggo.