Mapangwasak na mga solar farm, nilalabanan

,

Nagtipon noong Hunyo 29 sa kampus ng Central Luzon State University sa Nueva Ecija ang mga magsasaka, kabataan at estudyante, syentista, tagapagtanggol ng kalikasan, at mga kinatawan ng simbahan, para itatag ang Movement Against Destructive Solar Farms (MADSOLAR). Isa itong grupo na lalaban sa mapangwasak na mga solar farm sa Central Luzon.

Isa sa mga proyektong solar farm sa rehiyon ang MTerra Solar Project na sasaklaw sa 3,500-7,000 ektarya ng lupang pang-agrikultura sa mga bayan ng Nueva Ecija at Bulacan. Itinatayo ito ng Meralco PowerGen at ng dayuhang kumpanyang General Atlantic.

Kaugnay ng proyekto, binantaan ng sapilitang pagpapalayas ang mga residente ng Sityo Sangilo, Barangay Macabaklay, Gapan City, Nueva Ecija noong Hulyo 2. Sumugod sa sityo ang nagpakilalang may-ari ng lupa na si Rey Tan kasama ang mga pulis at ilang mga armadong tauhan.

Mapangwasak na mga solar farm, nilalabanan