CAFGU sa likod ng masaker sa Guihulngan, pinarusahan

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisayaHiligaynon

Pinarusahan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros noong Setyembre 24 ang isang elemento ng CAFGU na nasa likod ng mga pagpaslang sa mga sibilyan sa Guihulngan City. Tinarget sa isang partisanong operasyon si Joselito Raboy, operatiba sa maraming operasyong kombat ng 62nd IB at mga yunit ng pulis.

Kabilang sa pinakamalaking krimen ni Raboy ang kanyang papel sa pagmasaker sa pamilyang Jacolbe sa Guihulngan City noong Hulyo 26. Dito pinatay ang 5-buwang buntis na si Cristina Jacolbe, ang kanyang 16-anyos na anak na si Everly Kee at kasama nila noon na si Rodan Montero. Kasama rin si Raboy sa mga tropang militar na nagpaulan ng bala at nagtangkang pumatay kina Boyer Cesar at Marjun Mahinay noong Hulyo at Agosto. Armadong nagbabahay-bahay si Raboy, kasama ang dalawa pang myembro ng CAFGU, para takutin at pagbantaan ang mga residente sa isang barangay.

“Ang nangyaring pagparusa…ay magsisilbing babala sa lahat na makinarya ng militar laban sa kilusan laluna ang nagsurender na nagpagamit sa pasistang AFP, PNP at NTF-Elcac katumbas ng pangakong pera kung saan nagreresulta ng pagkasira ng kabuhayan, buhay at may utang na dugo sa mamamayan ng Central Negros,” ayon kay JB Regalado, tagapagsalita ng BHB-Central Negros. Pursigido ang BHB sa isla sa paghahanap ng paraan sa pagparusa upang ibigay ang nararapat na hustisya para sa mga biktima ng pasismo ng estado, aniya.

CAFGU sa likod ng masaker sa Guihulngan, pinarusahan