Mga protesta

,

 

Mindorenyo, kontra dredging. Nagprotesta ang mga residente ng Barangay Iriron, Calintaan, Occidental Mindoro noong Pebrero 6 upang ireklamo ang dredging na isinasagawa sa kanilang barangay nang walang pahintulot. Kinundena nila ang pangwawasak sa baybay ng kanilang barangay ng kumpanyang Ovada Philippines Inc.

Mga maralita sa QC, nagprotesta kontra bantang demolisyon. Sama-samang nagprotesta ang mga residente ng Sityo San Roque ng Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City noong Pebrero 10 para tutulan ang bantang demolisyon sa tatlong erya sa naturang sityo. Mahigit 300 pamilya ang mapalalayas para sa planong pagpapalawak ng kalsada patungo sa mall na Vertis North, pag-aari ng mga Ayala.

Pagtakbo ni Sara Duterte sa pagkapangulo, binatikos. Naglunsad ng protesta ang mga progresibong grupo sa Ateneo de Manila University noong Pebrero 19 bilang pagbatikos sa anunsyo ni Sara Duterte noong Pebrero 18 na tatakbo siya sa pagkapangulo. Tinawag ng Bagong Alyansang Makabayan at Koalisyong Makabayan ang deklarasyon bilang kahibangan at desperadong tangka na takasan ang pananagutan sa harap ng mga reklamo ng impeachment.

Mga protesta