Buwan ng magsasaka, ginunita

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisayaChinese

Sunud-sunod na protesta ang inilunsad ng mga grupong magsasaka at kanilang mga tagasuporta bilang paggunita ng Buwan ng Magsasaka. Nagmartsa tungong Mendiola sa Maynila noong Oktubre 20 ang daan-daang mga magsasaka mula sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Tarlac, Bulacan, Pampanga, Albay, Sorsogon, Camarines Sur, Masbate at Negros Occidental sa tinagurian nilang Araw ng Protesta laban sa Pang-aagaw ng Lupa, Inhustisya at Gutom.

Noong Oktubre 18, ginunita ng mga magsasaka ang World Hunger Day sa pamamagitan ng pagprotesta sa harap ng Department of Agriculture. Binatikos nila ang kasinungalingan ni Marcos na tumaas na ang bilihan ng palay tungong ₱24 kada kilo. Anila, nasa ₱18-₱20 lamang ang bilihan sa mga palayan, at nangangamba silang babagsak ito tungong ₱12 kada kilo sa kasagsagan ng anihan.

Ginunita naman ng kababaihang magsasaka ang International Rural Women’s Day noong Oktubre 15 sa isang protesta laban sa kawalang-lupa, gutom at militarisasyon.

Buwan ng magsasaka, ginunita